Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Sunday, November 25, 2007

my chubby baby!


yan! ang anak ko! ang kyutkyut! laki ng tiyan.. haha! galing ng pose!



naging isda ang anak ko??!! ok lang.. kyut pa rin siya!! kakakagigil!!!



isda pa rin siya??!! from orange, naging white naman cia! nawawala na ang mata ng anak ko, nagpapakyut kasi! di na kelangan, kyut naman talaga siya kahit ano pang ayos ng mukha niya!




yan ang piktyur nya sa OBB ng Goin' Bulilit! walang pinagbago, kyut pa rin!



o, heto pa ang video ng commercial niya dati na makulay ang buhay: (pansinin ninyo, di siya masyadong makatalon! ang hilig kasing kumain! haha!)



AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Thursday, November 22, 2007

Boob-tube booboos

Nakita ko to sa isang forum sa peyups at gusto kong ishare sa inyo to:

HOST: What was the secret power that made your group win in the competition?

Guest: You just have to have the courage to give everything despite the strong kalaban!
* * *
Host: In only a few minutes, we will find out the winner of our singing contest. We will find out kung sino ang maling magniningning!
* * *
Host: When will the new condominium building be completed?

Guest: Actually, it's now ready for occupation!
* * *
Host: What's happening now with the court case?

Guest: Still the same, hearing mga arguments ng depensa at prostitution.
* * *

Host: We're so happy to finally get you on the show. Can you greet our viewers, your fans?

Guest: Hi there to all of us!
* * *
Host: Your former boyfriend has been sending out hints that he still loves you. Do you think there's a chance for reconciliation?

Guest: Well, it's all out to him!
* * *
Host: Do you think there's any hope for the Philippines?

Guest: We have to be optimistic, but we also have to face the fact that the country is in grieve danger.
* * *
Host: So, what changes do we need to make?

Guest: Well, first of all, chatter change!

* * *
Host: What more do you need to get your group's petition approved?

Guest: We thought we were complete, but now they tell us we need more supporting peppers.

* * *
Host: Why haven't you gotten married yet?

Guest: Don't worry, it will come as they say, like a trip in the night!

* * *
sa s-files interview sa baywalk bodies na galing guam:

host: (kausap si charise -hindi letter "c" ang umpisa ng ast name..) bakit ikaw lang yata ang hindi doble ang letra ng pangalan. si luxx laurel, janet joaquin, palmolive p...(di ko na alam...)

charise: kase yon na po ang binigay sa akin nung bata pa ako, isang "s" lang. hehehe!

* * *
Melanie Marquez, during her guesting at The Buzz: I have a film with Alec BALDWIN, and DIRECTOR by Romy Suzara...

* * *
Katya Santos, on the controversial Viva Hot Babes VCD: Eighteen year old ABOVE and PATAAS lang ang pwedeng makabili nitong VCD.

* * *
Heart Evangelista, reading a letter request at Myx: Dear Heart, I'd like to request the song blah blah... Of course, we will grant your request. You know, everything is possible... WITH GOD!

* * *
Boy Abunda, interviewing "Ssshhh...She Walks By Night" star Belinda Bright: Belinda, what is this movie about?
Belinda: It's actually a Film Mwah (Noir)!
Boy: Pardon me?
Belinda: A Film Mwah (Noir), we consider it a film, not a movie.
Boy: Ano ulit yun, iha?
Belinda: A Film.. mmm.. it's an Art Film.

* * *
eto pa, iniinterview ni Master Showman yung 98 degrees, tsk tsk.. nde na nahiya:
Kuya Germs: So what can you say about the Filipinas?
Someone from 98 degrees: Ah, they're all pretty. Really lovely and kind.
Kuya Germs: Well, have you made love to a Filipina?

* * *
DESSA AFTER SINGING A SPOT NUMBER IN A REGINE VELASQUEZ CONCERT. DESSA APPARENTLY SANG A VERY VOCALLY CHALLENGING SONG
AND AS EXPECTED, ENDED iT WITH A THROAT BREAKING NOTE. REGINE ENTERS.
DESSA : O kala mo ikaw lang ang mataas ang boses.Kaya mo yun?
REGINE : Eh ano ngayon, maganda ka ba?

* * *
Kuya Germs: Salamat at pinaunlakan mo kami Juday. Dahil dyan, may ibibigay kami sa iyo courtesy of video city. Ito ay...aircon?! Aircon!
Juday: (luwal ang mga mata) Talaga?! Salamat po.
Kuya Germs: Ay...Con Air pala. Isang vhs tape ng Con Air.

* * *
Kris Aquino: i heard sa france based ang father mo ngayon?
Danilo Barrios: hindi po. sa paris.
Kris Aquino: so you're a vegetarian?
Danilo Barrios: opo. kumakain din ako ng meat.

* * *
Vina Morales, announcing the winner/s of ASAP's Clash Dance: It's a tie-breaker!

* * *
Host: What is your favorite feature?
Calendar Girl: My favorite feature is my graduation feature!

* * *
Grand Finals ng She's Got the Look dati sa Eat Bulaga:
Vic: Contestant Number ---, eto yung question mo: "What is your guiding principle in life?"
Contestant: Hmm.. guiding principle?
Vic: Oo, guiding principle, kumabaga motto, something na pinaniniwalaan mo.
Contestant: Hmm .. (halatang tensed na).. guiding principle.. my guiding principle is.. hmm.. ahh.. ahh..
Vic (grand finals kaya ayaw niya mamahiya): Para siyang motto.. like "Time is Go.." (sabay putol nung contestant)
Contestant: Ahh.. my guiding principle in life is "Time is Gold. Thank you!"

* * *
ito, nung Bb. Pilipinas host: how did you develop your love for horseback riding?
contestant: when I first went to Tagaytay, I ride a horse and the horse thrilled me!

* * *
Host: You're doing well as a singer in clubs. What's your next ambition?
Guest: Gusto ko pong magkaroon ng recording album!

* * *
Host: What don't you like about (name of starlet) ba?
Guest: She's too reactionary!
Host: What do you mean?
Guest: React siya ng react!

* * *
Host: "Ano ba ang pinaka-favorite mong movie lately, Melanie?"
Melanie Marquez: "Maganda yung kay Emma Thompson at Kate Winslet, yung "Simple and Simplicity".

* * *
anyway, si melanie marquez pa rin habang iniinterview ni boy abunda:
boy: melanie, anung masasabi mo sa mga lumalabas na tsismis na hindi ka lang daw drug addict, drug pusher ka pa?
melanie: they are all liars! tingnan nyo nga ako, ang payat-payat ko, i am a model!

* * *
angela velez announcing the famas winner..
Angela: And the Famas Goes through...
aleck bovic's reaction sa mga di makapaniwala sa pagkabest actress nya..
aleck: di ko na po papansinin yung mga negatives puro positives na lang po..

* * *
host: ano sa mukha mo ang pinaka-asset mo?
mr. pogi contestant: sa tingin ko ang pinaka-asset ko sa mukha ko ay ugali! Mabait kasi ako!

* * *
Inez Veneracion: "I am a one woman man!"

* * *
Inez Veneracion in TV Patrol interview: "Tapos binangga nya yung Vesta Ban (Besta Van) ko!"

* * *
letter sender: vj heart you are so charming and u are my favorite vj!
vj heart: also you are!

* * *
HOST : WHICH DO YOU PREFER: BLONDE OR DUMB?
GIRL : DUMB NA LANG AT LEAST HINDI AKO MAPAGKAKAMALANG BLONDE!

* * *
New Year's presentation ng See True:
Ate Luds: O sige ano na ang inyong prediction para kay Stella Strada?
Madam Auring: Lalo siyang sisikat sa darating na taon at malalampasan niya ang kasikatan ni Alma Moreno!
Kinabukasan, HEADLINE: STELLA STRADA COMMITS SUICIDE!

* * *
JULLIE YAP DAZA GUESTING ON VILMA!
JULLIE: O Vi nag-guest na ko dito sa show. Ikaw,kailan ka naman mag-ge-guest sa show ko?
VILMA: Alam mo naman Tita Jullie, busy kami ni Ralph sa pag-a-arrange ng kasal namin. Siguro pagkatapos na lang ng marriage!

* * *
Joe Cantada: So Atoy, what are your prospects now,mukhang makakayanan kayo ng Toyota this coming semi-finals round...
Atoy Co: Well Joe, the ball is around!

* * *
RITA GOMEZ AS A JUDGE IN A BB.PILIPINAS PAGEANT,ASKING A CANDIDATE A QUESTION DURING THE Q AND A (CANDIDATE
INCIDENTALLY IS MARIA ISABEL LOPEZ)
RITA: Here's your question,hija: Are you still a virgin?
MARIA ISABEL: If I say I still am, can I bring home the crown tonight?
RITA: Good answer!
MARIA ISABEL: What about you Ma'am, are you still a virgin?
RITA: Hija I have 5 children with 5 different fathers,what do you call that, Immaculate Conception???

* * *
Ang ganda ng gospel number na yon,napaka-enlighting.Teka magpupunas lang ako, I'm sweatening.*VILMA SANTOS

* * *
HOST: What's the latest in international show biz news?
Co-host: Whitney Houston has just signed a $100 M recording contract!
Host: Wow, that's really huge. Do you think she deserves it?
Co-host: She does! After all, in the course of her career, Whitney has sold more than 140 albums!

* * *
Host: Do you see what I'm holding in my hand?
Co-host: What is it?
Host: It's the new P10 coin.
Co-host: Hey, how about that? - what are its features?
Host: Well, it has Mabini or Andres Bonifacio on the cover.

* * *
Host: Our next sports feature is unique. It's about a new and funny kind of race.
Co-host: What's new about it?
Host: It's a race in which the racers are riding landmowers!

* * *
Host: Your best friend is involved in a controversy right now. What do you want to tell him, to show your support?
Starlet: Pare, kaya mo 'yan. At, pag kailangan mo ng tulong, anytime, alam mo naman, 'andyan lang naman ako, I'll just right by!

* * *
Host: What has happened to you after you came out with your accusations?
Guest: I have received death letters!

* * *
Host: Now that you have answered your opponent's charges, what happens now?
Guest: Now the ball is in the court!

* * *
sexy star1: i'm half filipina, half spanish, and half chinese (ano yun 1 1/2 )

sexy star2: the show was very success!

tapos sa sharon. tinanong si Diane de la fuente,
sharon: nung nag-secret wedding kayo alam ba ng parents mo?

* * *
Tinanong one time si Angelika Jones kung ano role nya sa isang sitcom na gagawin nya sa channel 2.. sabi nya medyo kikay daw sya d2 pero nde naman Over O-A.

Si Candy Allyson naman pag tumalon naman daw sya sa San Juanico Bridge kailangan nya ng Life Best para safe.

Isang Viva HotBabe sabi nya proud daw sya kasi napasama sya sa 100 Sixtiest Woman!.

* * *
HOST: Why did you separate from your husband?
Guest: I realized that I did not really love him.
Host: Did you love him when you accepted his proposal for you to marry him?
Guest: Not also.
Host: So, why did you agree to marry him?
Guest: He pressurized me to do it!

* * *
Host: What did you have for breakfast today?
Guest: Tinapay.
Host: Ano'ng palaman ng tinapay?
Guest: Juice.

* * *
ito sobrang tagal na to. sa martin late at night. guest si vina morales.
martin: vina, ganda naman ng damit mo. ritratto?
vina: sige, pa-picture tayo!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, November 21, 2007

pangarap ko.. part three

Nung nasa fx ako kanina, nakaisip ako ng mga bagay na nais kong magawa, lugar na gusto kong mapuntahan, taong gusto kong makilala. Kakaiba talaga ang power ng fx! Kapag nasa fx ka talaga, kung anu-ano ang maiisip mo. At dahil dito, idadagdag ko na ang mga naisip ko kanina sa aking listahan ng mga aking pangarap! =)

8. makapaglakbay nang naglalakad sa buong kamaynilaan



(isa ito sa mga produkto ng aking photography class last sem, wag ninyong nakawin ha! hehe)

matagal ko ng pangarap to, kanina ko lang ulit naisip.. para tong soul searching! hehe.. gusto kong maikot ang buong kamaynilaan nang naglalakad lang.. walang sakay-sakay ng jeep o na kahit anong sasakyan.. siguro naman mga one month, naikot ko na ang buong kamaynilaan! ang plano ko ganito: aalis ako ng bahay nang hindi nagpapaalam.. mag-iiwan lang ako ng sulat tapos magdadala syempre ako ng mga damit na good for one month.. pera din.. madaming pera.. magdadala ako ng cellphone pero hindi ko yun bubuksan, naka-off lang! promise, di ko yun bubuksan! magdadala din ako ng camera, syempre kelangang ma-document ang kakaibang experience na to! kapag napagod na kong maglakad sa isang araw, magchecheck-in ako sa pinakamalapit na hotel, motel o apartelle! haha! at kapag naikot ko na ang buong kamaynilaan, saka lang ako uuwi.. hopefully, magawa ko ito bago ako magpakasal..


9. makapunta sa beach!



Lagi akong nayayaya mag-beach pero never pa kong natuloy.. :( kaya gusto kong makapunta! hehe.. gusto ko sa Pagudpod, Puerto Galera o kaya sa Boracay.. hindi naman ako mahilig lumangoy pero wala lang.. gusto ko lang maka-experience ng white sand! hmm.. friends, parinig to sa inyo! hehe.. sana after graduation , magkaron sana tayo ng summer getaway!


10. makakwentuhan si Iya Villania...


... kasi crush ko siya! hahaha! oo! super duper crush ko siya! ang ganda kaya niya!! napanaginipan ko nga siya nung isang gabi.. super friends daw kami dun sa panaginip ko.. hehe! feeling ko lang masaya siya makakwentuhan.. sa myx kasi, parang ang kulit kulit niya! tapos ang cute pa ng accent niya.. halleer!! kung kakilala ninyo siya, pakilala ninyo ko ha..!



AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Saturday, November 17, 2007

Si Pink Elephant

Bata pa lang ako, kasama ko na si pink elephant. Siya ang unang besprend ko. Kahit wala akong kaibigan sa skul, okay lang kasi sumasama naman sakin si pink elephant sa skul kaya may kausap at kalaro ako kapag recess. Ang kulit kulit nga niya eh! Sabi niya sakin dati, kaya daw masungit si Ms. Arabon, yung teacher ko nung grade two, ay dahil lagi daw yung tinatanggihan ng asawa niya pag gabi! Noon, hindi ko alam ang ibig sabihin nun. Ngayon, dahil malaki na ko, alam ko na ang ibig sabihin ni pink elephant, mahilig pala si ma'am noon! Hahahaha! Nung grade four naman ako, may klasmeyt akong hindi madalas magsalita, si Jane. Sabi nga namin sa kanya, magsalita siya lagi kasi baka magka-bad breath siya pag laging nakatikom lang bibig niya. Kwento sakin ni pink elephant, lagi daw niyang nakikita si Jane na pinapalo ng nanay niya. Minsan naman daw, nakikita niya si Jane na kandong-kandong ng tatay niya at hinahalikan sa leeg. Tsismoso talaga yung si pink elephant!! Di ko alam kung totoo yung mga kwinento niya sakin. Pero nung grade five kami, hindi na namin klasmeyt si Jane, ayaw na daw siya pag-aralin, pinauwi na lang sa probinsya.

Bully din yang si pink elephant! Nung grade two ako, siya ang nag-utos sakin na lagyan ko ng bubblegum yung upuan ng klasmeyt ko! Hahaha! Umuwi tuloy si klasmeyt na may bubblegum sa palda niya! Syempre, hindi ako umamin nung nagtanong si titser kung sino daw naglagay nun. Nung grade five naman, sabi ni pink elephant, ipagkalat ko daw na bakla yung klasmeyt kong si Buddy kasi nakita daw niya yung naglilipstick! Kwinento ko yun sa mga kaibigan ko at tuwing dadaan si Buddy sa harap namin, tumatawa kami ng malakas. Tinanong kami ng ibang klasmeyts namin kung bakit kami utmatawa. Yun nga, sinabi namin sa kanila na naglilipstick si Buddy! Syempre, nalaman ni Buddy na ako nagkalat na bakla siya. Hindi kami nagbati, hanggang ngayon, di pa rin kami bati!

Okay namang kaibigan si pink elephant. Masaya naman siyang kasama. Super madaldal nga lang! Ang dami niyang kwento tungkol sa ibang mga tao!

Nung summer bago ako maghayskul nangyari ang una at huling pag-aaway namin ni pink elephant. Umiiyak kasi ako nun, kasi ako lang ang hihiwalay sa mga kaibigan ko. Karamihan kasi sa kanila, sa public hayskul mag-aaral. Ako kasi, sa private skul na daw ako mag-aaral sabi ng nanay ko. E syempre, lungkot na lungkot ako nun pero si pink elephant, imbes na damayan ako o pasayahin ako, aba! pinagtawanan ako ng elepanteng yun!!!!! Nagalit ako sa kanya! Tinanong ko kung bakit siya tumatawa, sabi niya ang OA ko daw! Sa galit at inis ko sa kanya, sinipa ko siya! Hindi naman siya gumanti pero tumayo siya at umalis sa harap ko. Pagkatapos ng ilang mga araw, hinanap ko siya. Pumunta ko dun sa tambayan namin malapit sa tindahan nila Bry, wala siya dun. Pumunta ko sa bahay ng mga kaibigan ko, baka kasi naligaw dun si pink elephant. Kahit saan, di ko siya nakita..

Malapit ng magpasukan nung tumigil na ko sa paghahanap sa kanya. Pumasok ako sa bago kong skul. Nagkaron ng mga bagong kaibigan. Tila nakalimutan ko na nga si pink elephant dahil madali akong nakapag-adjust sa bago kong skul.

Ngayong third year college na ko, ngayon ko lang ulit naalala si pink elephant. Gusto ko siyang hanapin. Medyo sawa na kasi ako sa medyo seryosong buhay ko ngayon parang gusto kong mambully ulit.. syempre kasama si pink elephant.

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Saturday, November 10, 2007

Pagkababa sa Van

Haaahaay! Nakailang hikab na ko habang nakahiga sa aking matigas na kutchon. Naku! Hindi dapat kutchon ang tawag dito,, parang sa papag ka na rin kasi nakahiga! Tahimik na ang buong bahay. Tanging ingay na lang ng umaandar na bentelador ang aking naririnig. Ang dilim, buti na lang at my konting ilaw galing labas na tumatama sa ding-ding kung saan ako kanina pang nakatingin. Grabe! Hindi talsga ko makatulog. Iniisip ko kasi ung tungkol sa laban namin bukas. Unang laro ko ng basketbol! Kinakabahan ako dahil sa una, baka matae ako habang nasa byahe… Malayo daw kasi un eh. Pangalawa, baka makalimutan ko ang uniform ko dahil sa hindi pa ito tuyo at nakasampay lang sa may pinto ng kwarto nila Manang Chona sa kabila; at ang panghuli ay baka magkalat lang ako bukas!

Kanina nga sa training eh todo praktis na ko ng pagdidribol, kaya ko na nga ipalusot sa gitna ng legs ko eh. “Oha! Haha!” Yun ung unang naisip ko nung unang beses ko yun nagawa, nakaupo kasi sa my gilid ng kort kasi ung mga batang lalaki na nagtetraining din, sigurado kong nakita nila ung exhibition na ginawa ko! Bulong ko nga saking sarili, “wag kayong mag-alala mga bata, magagawa niyo din yan!” Hehe! Tiyak na mas gagalangin na nila ko ngayon! Pinagpraktisan ko din yung steps para sa pag lalay-up, aun! Sakto lang ung tapon ng bola…. Sakto sa taas ng board! Galing! Kung nasa board lng ung mga ipis namin dito sa bahay, chak, tigok lahat yun. Pero hindi lang naman yung mga yun ang aking napag-ensayuhan, nagpraktis din ako kasama ang aking timaytes. Nagpasahan kami ng iba’t ibang klaseng pasa, para sa akin importante yun kasi xempre hindi naman sila pwedeng umasa lang sakin noh! Kelangan ko din ang tulong ng aking timayts para manalo kami! Sa pagpapasa ng bola, napakaimportante ng komunikasyon. Kaya ayun, todo sigaw naman ako para tawagin ang aking mga kakampi… Nakakapanic kasi pag palapit na yung mga kalaban mo, yung susugurin ka nilang lahat na parang mga mga tanod sila at ikaw ang pusher ng barangay. Hehe! Ayun! Napasa ko naman… kay Coach nga lng, nakaharang kasi siya eh! “Ching-ching! Anak ng baka namang pagpapasa yan!... ”, “Nu ba yang pasa na yan!” hirit pa ng kakampi ko…at ako’y tuluyan na ngang napahiya na nman sa lahat ng tao sa kort. Nasa may kabilang dulo pa naman yung mga machopapang basketbol varsities. O dba?! Madami parin palang nakakakita ng aking talent! Sa may tabi rin ni coach yung mga nakatambay na titser, sekyuriti gards at janitors ng skul na gusto pa atng sumingit at gumamit ng kort kahit na para nang my weekly general assembly dahil sa nagkasabay-sabay na training ng ibat ibang manlalaro. Pero sige! Okey lang! Alam ko namang hindi ko makakalimutan yung mga natutunan ko sa mga praktis na yun! Hay…. At habang pinagninilay-nilayan ko ang mga bagay na ito, tuluyan na nga kong nakatulog.

4:30am na! Naku! Agad na kong bumangon! Kelangan makatae na ko ng marami ngayon para mawala na ang una kong alalahanin! Buti na lang at natae kagad ako, salamat na lang sa apat na basong tubig na ininom ko bago matulog! Hehe! Naligo na ko kagad at kumain! Handa na ko! Oooopppsss! Yung jersey ko nga pala! Pumunta ko sa kabilang kwarto, buti na lang at naplantsa na ni Manang Chona! Agad ko yung sinilid sa aking bag. Sinuot ko na ang sapatos na kakabili lng sakin ng aking tito! Hehe! Naku! Tsak madadagdagan ang dating ko nito bilang isang manlalaro! Matapos ng lahat ako’y nagpaalam na sa aking mami, humalik ako para swertehin din mamaya…

Saktong 6 ng umaga ko dumating sa iskul nmin kung san magkikita-kita. Naku! Parang gusto ko nang magstretching para sa pinakaunang seryosohan kong laro mamayang alas dyes! Nag-iisip na rin ako ng mga pamatay na moves para mamaya. Pero naisip ko rin na dapat relax lang! Relax… Nakipagkwentuhan na lang ako kay karekare, yung isa sa mga timayts ko tungkol sa mga lavlayf ng ibang tao habang hinihintay na dumating yung iba. Hehe! Saya nun! Mga 7 na rin nakumpleto ang lahat kaya mga ganung oras na rin kami nakaalis. Traffic! Walang magawa sa van! Ang hirap pa kasi siksikan talaga! Kumusta naman ang pagsisiksikan ng 15 katao sa isang pang 10 tao na van??! Pero kelangan magtiis. At yun na nga! Nakaraaos din! Sa wakas! Dumating na rin kami. Pagkababa ko ng van, yung building ng iskul na kalaban naming ang bumungad sa amin na pagkataas-taas, mga hanggang pitong, palapag ata! Ang laki din pala ng eskwelahang ito, hindi ko makita yung dulo ng building dito sa pwesto ko! Wow! Mukhang mayayaman ang mga nag-aaral dito ah… Xempre, pag mayaman, mas kaya nilang magbayad ng mas mararaming kowts o kaya mas kaya nilang mag basketbol ng marami hanggang sa gumaling talga sila ng sobra! Ano bayan! Nagsimula na naman akong kabahan! Ewan ko ba. Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko, parang gustong lumabas sa dibdib ko… Kulet! Hehe!

Bitbit ang aming mga astiging isports bags umakyat na kami patungo sa gym ng iskul. Magandang warm-up toh! Nasa 5th floor ba naman ang lecheng gym eh! Grabe! Ilang hakbang na lang patungong gym, naririnig ko na yung pagchichir ng mga tao dun! Kanya-kanya na kami ng pag-aayos ng tindig para magmukhang astig. Hehe! Para matakot naman sila samin! Pagdating sa mismong gym, hinanap ko na kagad kung saan na yung mga makakasagupa namin. A! Wala pa sila! Naku! Ano kayang klaseng paghahanda ang ginagawa nila??! Hmmm… Hindi na rin kami nagsayang ng panahon! Sinuot na kagad namin ang aming jersey at nagsimula nang magstretching! Aba! At talagang punung-puno kami ng unity, kanya-kanya ang pagsstretching… Hehe! Buti na lang at napansin yun ng aming butihing Coach at pinagsabay-sabay kami ng pag-iistretch. Aba! At tinodo ko ata ang pagbanat ng katawan ko. Maganda rin kasi ang maayos na pagbabanat ng katawan bago maglaro eh. Simula ulo, tingin sa kaliwa, kanan, taas pero di naman sa likod. Braso naman tapos sunud-sunod na lahay ng parte na pwede ibanat… Matapos nun, nagwarm-up na kami. Ayan! Pinraktis ko ulit ang pamatay ipis na lay-up! Sablay parin! Haha! Di bale! Naniniwala ko sa kapangyarihan ng “adrenalin rush”! Magagawa ko rin yang ng maayos mamaya!

Sa gitna ng aming pagwawarm-up, biglang may dumating grupo ng mga nakajersey na puti na mga babae. Maaangas, may iba, daig pa yung kuya ko kung maglakad o umupo ah! “Wow ha! Babae ba talaga yun??” Tanong ni Diar, sabay ayos ng short na kinagat ng kanyang pwet. “Hahaha! Ewan ko! Di ko madistinguish!”, sagot ko naman. Sabay punta sa aming bench. Kinuha ko muna yung tuwalya ko sa aking isports bag bago umupo. Nauna nako dun, baka kasi wala na kong maupuan pag naunahan na ko ng mga timayts kong toh. Tapos na ang panahon naming magshooting. Sila naman ngayon ang magwawarm-up. Umupo ako sa may gitna ng bench. Sa may gitna para maobserbahan ko lahat ng mga makakalaban namin. Para malaman ko kung sino ba talaga sa kanila ang mga dapat kong bantayan. Una kong nakita sa may gitna ng kort… Mataba at maliit na lalake… Coach ata nila tong taong toh. Pero teka, may boobs! Lalaking may boobs??? Hay… Wala namang masama sa lalaking may boobs, lahat naman ng tao may boobs. Hehe! Sumunod naman na dumaan sa harap ko. Naku! E2, xur na kong isa to sa mga makakalaban namin. Xur nga ba ko??? Rapper ata to eh! Ang haba naman ng short. Ung buhok, ang gulo. Tiningnan ko yung legs nya kung may muscle ba, naku! Wala naman! Bano toh! Sunod naman, aba! Maayos ang buhok, toned ang katawan at maganda siya infairness ah. May nakita na kong mukhang magaling. Magaling cguro toh! Magaling toh! Kelangan ko mag-ingat dito!

Naku! Ayan na! Ang pinakahihintay kong sandali! Magsisimula na ang laro. Luminis na ang gitna ng buong kort. Nagsidatingan na rin ung cheering squad ng kalaban namin. Hindi ko naobserbahan lahat ng kalaban namin pero bahala na! Pinatanggal na samin ni coach lahat ng alahas naming sa katawan. Alam kong ipapatanggal yun kaya di ko na sinuot ung paborito kong earrings. Ayan… Pinili na ni coach yung unang lima na papasok. Mabuti at hindi ako kasama, para maobserbahan ko ng husto ang kanilang paglalaro. Unang quarter pa lang, lamang na kami. Bayan! Hindi man lang sila nakakashoot! Habang tumatagal yung laro, lalo kong ginaganahan…. Manuod! Hehe! At magpuno ng mga jug para sa mga katim ko. Mabuti ata kong timayt noh! Lumipas na ang 2nd quarter. 3rd quarter na. Habang ako’y nakaupo sa may gilid, bigla kong tinawag ni coach. Naku! Bigla kong kinabahan! E2 na! Paglalaruin na ata nya ko! Gosh! Sa wakas! Ang aking pinakahihintay. Agad akong tumayo at pumunta sa tabi ni coach. Sa tingin ko talaga ay malakas talaga ang kompyansa sakin ni coach kasi wala na xang ibang cnabi kundi, “…o ching-ching, palitan mo si Nin-nin…” Bwahahaha! C nin-nin ang MVP nung nakaraang taon, naku! Nilevel na ko kay nin-nin! Kaya naman dahil dun ay tumibay ang aking paniniwala na kaya ko! Kaya ko talaga tong laro na toh! Hindi ko ata wawasakin ang tiwala sakin bilang manlalaro ni coach noh!

Lumapit si coach sa may panel upang sabihing may isusubtitute siya sa number 9, kay nin-nin. Tumingin muna sila sakin bago ko sinenyasan ng referi at pinapasok. Ayan na! Naririnig ko na ang aking timayts! Chinichir nila ko! Prang gusto kong maiyak dahil sa suporta at tiwala na binibigay nila sakin! Hay! , yan ang gusto ko sabihin sa mga kalaban ko. Hehe! Pumwesto na kaming lahat sa dapat pwestuhan. Pero teka… Kanino bang bola??? San nga pala yung ring namin???? Parang alam ko un kanina kaya lang hindi na ko sigurado ngayon. Naku! Nasobrahan ata ng tiwala c coach sakin kaya hindi nya naesplika. Tsk! Tsk! Kaya naman sumunod na lang ko kung nasaan ang mga kakampi ko. “Dun ka sa may kanang baba”, turo sakin ni Cheling. Agad naman akong sumunod at naghanda. Naku! Ang laki ng bantay ko ah. Kili-kili nya ung panlaban niya sakin para di ko malapit. Aba! Taas xa ng taas ng kamay at tinatapat nya talaga sa mukha ko ung kili-kili niya ah! At eto pa punta siya ng punta sa harap ko, pero bigla naman siyang haharap sa akin. Ano kayang ginagawa nito??! Naku! Di marunong! “3 seconds violation! Red, Number 15!”, sambit ni ref! Teka lang, ako ata yung tinutukoy niya ah??! Nooooo! Halos sabay-sabay tumingin sa akin ang aking mga kakampi! Naramdaman ko na para kong isang pulang tela at sila ay mga toro! “Sorry naman…” Un na lang ang tangi kong nasabi. Naisip ko na kelangan kong bumawi! Eto na, sigurado kong nasa ring na kami ng kalaban. Pinuntahan ko kagad ang sa tingin ko ay ang babantayan ko. Siya rin kanina yung nagbobroadcast ng kili-kili. Aba! Ako naman ngayon! Ako na ang magtataas ng kili-kili kala nya! Hehe! Isinagawa ko na ang aking defense position. Sabi ni coach, ito daw ang tamang pagdedepensa, nakasquat, labas ang pwet at nakataas ang kamay. Kaya naman ganung-ganon ung ginawa ko. Hindi ko siya tinantanan! Kahit pa punta siya ng punta kung saan-saan eh talaga namang sinusundan ko siya! Hehe! Napapakapit na nga ko sa kanya eh. “Foul! Red, Number 15!” sigaw na naman ni Ref. Yes! Ako yun ah! Ano na naman. Tumingin ako kay ref na parang maamong tupa, at nag tanong, “bakit po???” “Wag mo kapitan yang kalaban mo…” A! How dare…. How dare….. How dare me! Patay na naman ako kay Coach! Naririnig ko na naman siyang nagsasabi ng, “… Anak ng baka naman Ching-ching…”. Naku! Pag nagpatuloy toh eh baka maging baka na talaga ko sa kakasabi niya sakin ng ganun!

Hay… Ang bilis ng mga pangyayari. Nagpatuloy ang laro. Xempre, sa kanila pa rin ang bola. Nasasabotahe kasi ko eh. Haha! Inihagis nung isa naming kalaban ang bola sa isa naming kalaban. Habang ito ay nasa ere, biglang sumigaw ang kakampi naming si Arian, “Tabinge yan!”. Kaya naman agad akong pumwesto! Kelangan mapasakin yan! Tumalon ako ng todo bigay at kinuha ko ang bola. “RRRaaaaaRRR! “Tumalsik yung iba! Hahaha! Nasa akin na yung bola! Yes! This is my time to shine! Tumakbo ako ng mabilis para maitawid ko na yung bola sa kabila. “Takte! Ano na naman???!” “Travelling. Red, Number 15!”, sabay aksyon ni ref ng pag-iikot ng dalawa niyang kamao. “Ay! Patay!” Naku naman! Nakalimutan ko ang “one-two dribble”. In short, nakalimutan kong magdrible sa pangatlong kong hakbang. Naexcite kasi ko masyado sa moment ko eh.

Grabe! Sa tingin ko sikat na sikat na talaga ko. Hindi lang sa mga kakampi ko kundi pati sa mga kalaban. Sunud-sunod ba naman eh! Hindi pa rin ako nilabas ni coach kahit na puro baka na ang bukang bibig niya. Tumakbo lang ako ng tumakbo sa loob ng kort. Patuloy sa paghahanap ng pagkakataong makakuha ng bola at makatulong. Nung saktong napunta na kami sa aming ring. Yes! Pinasahan ako ni Nin-Nin, pinasok na ulit kasi siya eh, bale dalawa na kaming inaasahan ng husto sa tim. Haha! Pinasa niya sa akin ang bola! Touched ako! Kaya naisip ko kagad isagawa ang aking lay-up! Tumakbo ako palapit sa ring at hinagis ang bola. “Aray!” ang bilis bumalik ng bola ah! Naku! Sa gilid na naman pala ng board tumama. Pero okey lang kasi nasa akin ulit… Nang pumupwesto na ko para subukang ishoot muli ang bola. Biglang pumunta sa akin yung malaking binabantayan ko kanina at pilit niyang kinukuha sa akin yung bola! Aba! Aba! Hindi maganda yan! Hindi ko makapapayag! Mas mabuti pang ipasa ko na lang muli sa iba kong kakampi. Ngunit, tuluy-tuloy pa rin siya sa pagpupumilit agawin ang bola, at aba! May dumagdag pa! Wala na kong ibang naiisip nun kundi wag silang hayaan makuha yun sa akin. Akin na yun! Aagawin pa nya???! No! Kaya naman, ng hindi ko namamalayan, nailabas ko ang aking dalawang siko at gumalaw ako ng pakaliwa’t kanan ng mabilis. Mabilis na mabilis para lang lumayo sila sa akin. Nacarried away ako, hanggang sa. “Technichal foul! Red, number 15!”. Tumahimik ang buong kort. Dun ako nahimasmasan. Itinaas kong dahan-dahan ang aking nakayukong ulo at bumalik sa aking matuwid na pagtayo. Nakatingin silang lahat sa akin, si coach, ang aking timayts sa bench, ang panel, ref, mga kalaban naming bangko at pati na yung audience nila ay napunta sa akin ang atensyon. Ilang segundo pa at nagtawanan na silang lahat! , cheer ng aking mga timayts. Nilapitan ako nila nin-nin at ng iba ko pang kakampi sabay sabi, “Okey lang yan! Nakakatakot ka!”, sabay tawa. Napatingin ako kay coach at nakita kong tumatawa din siya. Hindi ko alam kung maganda ba o pangit yung nagawa ko. Siguro parehang pangit at maganda. Pangit kasi may violation ako, pero, maganda naman kasi napasaya ko lahat lalo na ang mga kakampi ko at pati si Coach. Pero xempre, di pa rin nawala ang anak ng baka niya sa usapan.

Patapos na pala ung laro nun. Hehe! Hindi ko namalayan, hindi ko kasi masyadong naintindihan. Haha! Ang ganda pala’t ako ang “finale”. Xempre! Kami ang panalo! Ang dami ko kasi atang nasaktan ng di sinasadya, kaya nagsorry din ako habang nakikipagkamay kami sa aming mga kalaban. Agad na kaming nag-ayos ng aming gamit at nagbihis para kumain. Simula kubeta hanggang sa kainan eh yung tungkol sa laro yung pinagusapan. At xempre isa ko sa mga bida.

Hanggang sa pag-uwi ko, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ba ang saya ko kahit na ang dami kong kapalpakang nagawa at kahit na hindi ko man lang napatama sa ring yung bola. Hindi ko rin alam kung bakit tuwang-tuwa pa rin sa akin yung mga kasama ko kahit na nabigo ko silang lahat. Pero okey lang, saya nga eh! Akalain mong may points din pala sa mga violations na nagawa ko.




#################
Ito ay likha ng aking mabuting kaibigan na si Chingching.. Naging teammate ko din siya sa basketbol pero nauna siya sa akin ng isang taon sa pagpasok sa varsity kaya hindi ko nakita ang unang seryosohan niyang laro.. Dito ko lang nabasa at nalaman ang nangyari sa kanya noon.. Apple of the eye talaga siya kahit san siya magpunta!! hehe

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, November 7, 2007

ano bang trip mo?

nung isang gabi, pag-akyat ko sa kwarto para matulog, nadatnan ko ang kapatid kong si cheche na nanonood ng tv.. at dahil na-bore ako sa pinapanood niya, inagaw ko ang remote at nilipat-lipat ko ang channel.. hanggang sa.. hanggang sa.. makakita.. kami.. ni cheche.. ng tatlong.. lalaking.. tatlong.. lalaking.. sinusubo.. sinusubo.. at.. at.. nginunguya.. nginunguya.. ang.. isang.. mapulang.. mapulang.. bagay.. na.. napag-alaman.. napag-alaman.. naming.. naming.. naming.. sibuyas pala!!! at kakaiba ang mga reaksyon ng kanilang mga mukha!!!! syempre, hininto ko na ang paglilipat ng channel at nanood na kami ni cheche.. nagsimula na kaming tumawa nang namula ang mukha nung isang lalaki at sumuka ng todo! yung lalaki na yun ang pangatlong kumain ng mga sibuyas, habang kumakain ang mga kasama niya, pinagtatawanan niya ang mga ito.. itong lalaking ito rin ang pinakagwapo at ang may pinakamalaking katawan sa kanilang tatlo kaya't natawa kami ng todo nang siya na yung kumakain dahil nawala na sa mukha niya yung yabang at pang-aasar.. napalitan na yun ng pamumula at yung reaksyong ewan

hagikhik kami ng hagikhik ng kapatid ko.. pagkatapos sumuka nung lalaki, sumuko na siya at duon na nga nagtapos yung show..

at dahil sa karanasang iyon, lagi ng nasa studio 23 kapag 11:15 ng Sunday night ang tv namin..

ANO BANG TRIP MO? the TV SHOW





AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

pangarap ko.. part two

5. magkaroon ng bahay sa baguio



two years din kasi akong nanirahan sa baguio kaya napamahal na ko sa lugar na yun.. second home kumbaga.. two years kasi akong nag-aral sa UP Baguio bago nakalipat dito sa diliman.. haayy.. ngayon ko naaalala lahat ng mga magagandang nangyari sakin sa baguio .. ayun nga! isa sa mga pangarap kong malupet ang magkaron ng bahay sa baguio kasi malamig dun, masarap magpahinga.. marami ring magagandang puntahan dun .. kakaiba din ang experience dun kapag may super typhoon.. tiklop lahat ng mga payong kahit fibrella pa ang tatak nun!!! basta! masaya manirahan sa baguio kaya kelangan magkabahay ako dun!!!!!


6. magkaroon ng kopi shop na tataob sa starbucks!


actually pangarap namin to ng kaibigan kong si karekare.. kapitalista kasi kami!! gusto naming humuthot ng limpak-limpak na salapi mula sa mga napakayamang mamayang Pilipino na mahilig uminom ng kape kasama na rin yung mga nagpapanggap na mayaman na tipong inipon pa ng ilang buwan ang pambili ng isang tasang kape sa isang mamahaling kopi shop.. kelangan makapagpatayo ako (kasama si karekare) ng isang kopi shop na magpapataob sa starbucks!!! yung tipong pag sinabing kape, yung kopi shop namin ang maiisip mo, hindi ang starbucks.. dapat ten years from now, matupad na namin yan!


7. maging manager ng mga artista



wala lang.. ang tingin ko kasi sa mga managers, mayaman.. eh mukha akong pera kaya ganun.. at saka, sa tingin ko, sa tingin ko lang naman ay mas konti ang trabaho nila kesa dun sa mga artista talaga.. ayun, basta gusto kong maging manager!! at papasikatin ko ang aking mga alaga para makalikom ako ng limpak-limpak na salapi para hindi na maunsyami ang aking pagyaman!



sa ngayon, tatlo lamang ang aking nadagdag sa listahan ng aking mga pangarap.. umantabay para sa mga susunod na pangarap ni ling-ling!!

libre lang mangarap, walang hanggan na paghiling...
libre lang mangarap, managinip ka..

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli