Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Friday, December 28, 2007

las pul show

Tapos na ang araw ng pasko. Kasunod nito ang pagsisimula ng event na pinakaabangan ng bawat pinoy. Exciting na event to!! Sobra!! Tantanententen! Ang event na to ay walang iba kundi ang metrow manilaw pelm pistebal! Eto ang pistebal kung saan itinatampok ang napakagandang pelikula na enteng kabisowte. Kasama din sa pistebal ang walong pelikula na kunwari ay kalaban ng enteng kabisowte para di naman daw halata ang lutong panalo ng enteng kabisowte. Heniways, kagabi nga ay pinanood ko ang isa sa mga "kalaban" ng enteng kabisowte. Kasama ko sina tonton at ey-ey na nanood ng last full show ng sakal, sakali, saklolo. Okay naman, maganda naman. Sulit naman ang one hundred twenty pesos ko. Pero may iba akong natuklasan kagabi.

After kasi naming manood ng muvie, syempre last full show na yun, wala na masyadong tao sa mall. Sarado na ang mga shops. Medyo madilim na din. At tahimik na ang kapaligiran.

ey-ey: lingling, panu pag nasaraduhan tayo dito sa mall??

lingling: ay! di pwede yan, yoko nga!

tonton: okey yun! makakapagnakaw tayo ng mga damit!!

ey-ey: panu pag natatae na tayo at sarado yung mga cr?? pagpasok ng mga tao dito kinabukasan, makakakita sila ng mga maliliit na bundok ng tae sa harap ng bench o di kaya sa tapat ng yellowcab o kaya sa paanan ng estatwa ni jollibee!

Natawa ako syempre sa banat ni ey-ey pero nakaramdam ako ng takot. Ayoko talagang masaraduhan sa mall. Creepy. Ayoko talaga lalo na pag yung dalawang ugok na yun lang ang kasama kong makukulong sa loob ng mall. Nung bata pa ko, nakapanood ako ng isang episode ata ng wansapanataym ata yun na nakulong sa isang mall yung bata tapos nabuhay yung mga manikin. Kakatakot yun. Yun yung naalala ko kagabi nung naglalakad kami palabas ng mall kagabi.

Akala ko sa dilim, dagat, heights at sa mga insekto "lang" ako takot. Kagabi ko lang narealize, takot din pala ako na makulong sa mall. Katakot.

3 Comments:

Blogger Poli said...

Pangarap kong maiwan sa loob ng mall para rin makapag-nakaw ako. Pero parang nakakatakot nga ang mga mall kapag walang ilaw at mga tao. Hehe!

Pwede rin kapag nasusunog yung mall, pwede ring magnakaw?

Okay ba talaga yung Sakal...? Kelangan kong manuond ng pelikula sa film festival para sa paper namin! Hehe!

Sunday, December 30, 2007  
Blogger LING-LING said...

ok naman yung SSS.. funny naman medyo dragging lang yung story.. pareho tayo, kelangan ko manuod ng 2 mmff films at gagawan ng reaction paper.. pinanood ko na rin yung katas ng saudi..hehe!

Sunday, December 30, 2007  
Anonymous Anonymous said...

crazy Over Gaga na naman akO sa bLog mO! hahaha! simple talks natin perO malalim talga ang pagkakarecieve mo! hanEp ka talaga bErna!! hahaha! LingALing!!!!

Tuesday, January 08, 2008  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli