Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Tuesday, December 18, 2007

lowlas!

Sa klas namin last sem sa Film100 (intro to film), pinanood namin at nireport ng group ko ang pelikula ni Yasujiro Ozu na pinamagatang Tokyo Story. Tungkol siya sa dalawang matandang mag-asawa na lumuwas ng Tokyo para dalawin ang kanilang mga anak. Sadly, super busy ang kanilang mga anak. Ang tanging nagbigay lamang ng oras para sa kanila ay ang kanilang manugang na babae. Boring yung film nung una kong napanood kasi kakaiba ang style ni Ozu, para siyang si Lav Diaz, mejo mabagal ang takbo ng istorya. Pero nung napanood ko yun ulet, aba! hindi na siya boring at may impact na talaga siya sakin! mejo nalungkot at naiyak na ko sa istorya nito. E kasi ba naman yung mga anak nila, hindi man lang sila inasikaso at inisip pa na abala ang pagluwas ng kanilang mga magulang sa Tokyo. Pero, sa totoo lang, parang ganun din naman dito sa Pinas. Pag dumadating na ang mga lolo't lola natin galing sa probinsya, naiirita tayo. At iniisip din natin na abala sila...

Ngayong krismas season, andito ngayon sa bahay namin ang dalawa kong lowla! Nung nalaman kong magbabakasyon sila dito, unang pumasok sa mapurol kong utak yung pelikula ni Ozu. Sabi ko sa sarili ko, dapat maging mabait ako kila lowlas! Kasi, sa totoo lang, malapit na silang mawala dito sa mundo kaya marapat lamang na iparamdam natin sa kanila ang ating pagmamahal!

Advans meri krismas sa inyong lahat! At maging mabait sa mga lowlo at lowla ninyo, kahit hindi pasko... (drama mode)

4 Comments:

Blogger vin said...

always treasure your moments with them. you'll never know kung kelan sila mawawala.

Tuesday, December 18, 2007  
Anonymous Anonymous said...

tama ka dun..ako wala ng lola eh! ikaw meron pa..pasayahin mo sila..merry christmas sayo!

Wednesday, December 19, 2007  
Blogger LING-LING said...

@ vin: korek ka jan! kinukulit nga namin ng kapatid ko yung lowla namin.. hehe

Friday, December 28, 2007  
Blogger LING-LING said...

@ gasti: meri krismas gasti! oo nga eh, pinapasaya namin sila ng bonggang-bongga!! hehe

Friday, December 28, 2007  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli