Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Tuesday, December 25, 2007

it's better to receive than to give!

Meri krismas at hapi pasko everyone!! Eto ang araw kung kailan ang mga tao'y parang sinaniban ng kung ano at biglang naging mababait at namimigay pa nga mga aginaldo. Isa na ngang example diyan ang nanay ko. Kapag ordinaryong araw, puro dakdak ang maririnig mula sa bibig niya. Pero kanina, huwaw! para siyang naging babaeng santa claus! Halos lahat ng kapitbahay naming mga bata ay binigyan niya ng pera. Tig-sisingkwenta pa! At syempre mas malaking amount pag sa mga inaanak niya. Naubos nga daw ang dalawang libo niya sa bulsa. Pero okay lang daw kasi minsan lang naman daw ang pasko sa isang taon.

Ako. Mas naeenjoy ko ang pagtanggap ng mga gifts! Nyahahaha! Swapang, materialistic at madamot kasi ako kaya hindi ako masyadong nagbibigay ng regalo. Pero gusto ko, ako ang bibigyan. Oo na, selfish ako. Ang saya-saya kaya ng feeling pag may binubuksan kang regalo! Ngayon ngang pasko, nakatanggap ako ng ilang espesyal na mga regalo. At dahil din sa mayabang ako kaya't ipagyayabang ko sa inyo ang mga natanggap kong mga regalo.



Yan ang havaianas na tsinelas na regalo sakin ni besprend chingching! Mahilig kasi talaga ako sa tsinelas. Pero ni minsan, hindi ako bumili ng havaianas. Medyo kuripot din kasi ako. Ang mahal naman kasi! Hanggang 500 pesos na tsinelas lang ang kaya kong bilhin kaya naman tuwang-tuwa ako nang ibigay sakin yan ni chingching! Tuwang-tuwa talaga! Tuwang-tuwa!


Nung unang punta ko ng trinoma, nakita ko na ang bag na ito at ipinangako ko na sa aking sarili na bibilhin ko siya kahit anung mangyari. December na nang naalala ko ang bag na ito; hindi ko pa pala siya nabibili. Kaya naman nung tinanong ako ni besprend chingching kung anung gusto kong regalo, eto kagad ang nasabi ko. At binili naman niya para sakin. Ibang klase talaga si chingching. Spoiled ako sa kanya. Hehe. Hulog talaga ng langit si besprend chingching!




Ang nabasa ko pa lang na libro ni paulo coelho ay ang veronika decides to die. Hiniram ko lang yun sa roommate ko dati. Nagandahan ako sa book na yun kaya gusto ko na ding basahin ang iba pang likha ni tito paulo. Etong by the river piedra i sat down and wept ay bigay ng isang special someone. Naks! Akalain mong may espesyal samwan pala ako! Nyahaha. Siguro naiinis na siya sakin na tuwing magkikita kami ay national bookstore ang meeting place at dun sa may part ng mga bestselling novels ako parating naghihintay. Binilhan na niya ko para maiba naman daw ang meeting place. Haha! Dun pa rin lagi ang meeting place namin at ipapakita ko sa kanya na interesado naman ako sa ibang books dun para bilhan niya ulet ako. Hehe.

At syempre may regalo din para sa akin ang aking pinakamamahal na ama't ina. Anu yun?? Syempre, pera! Binigyan na lamang nila kaming magkakapatid ng pera at kami na lang daw ang bumili ng kung anong gusto naming bilhin. Ayos! Pera din ang aking natanggap mula kina tito at tita. Okay na din. Madadagdagan na ang aking mga kayamanan.

Ayun lang naman ang gusto kong i-share sa inyo.

Nga pala, sinungaling ang title ng post na to. Mas masarap pa rin ang feeling nang nagbibigay kesa sa tumatanggap. Kakaiba ang pakiramdam kapag nakita mong may napangiti ka dahil sa naibigay mong aginaldo. Nawa'y maging mapagbigay tayo, hindi lamang tuwing pasko, kundi araw-araw. Oo, araw-araw. Amen.

5 Comments:

Blogger BURAOT said...

dami mo pala kinita nung pasko eh. pautang nman jan! wahahahah!

Friday, December 28, 2007  
Blogger LING-LING said...

wahaha! ubos na kagad! next pasko na lang ang balato mo sa kinita ko.. hehe

Friday, December 28, 2007  
Blogger JoiceyTwenty said...

wow dame mo naman gifts.. hehe. ganda yung havaianas infairness. ako tapos na havaianas.. ipanema trip ko ngaun, parang mas maganda sya tsaka mas comfy. :D

anyway thanks sa pagbisita sa blog ko.. gusto mo ba ilink kita? itag mo sa ken last name mo para madagdag kita sa list ko.. :D happy new year!

Friday, December 28, 2007  
Blogger JoiceyTwenty said...

at nga pala.. maganda yang by the river piedra.. panalo talaga yang si paolo.. :D haha.. maganda yan..

Friday, December 28, 2007  
Blogger LING-LING said...

@ joice: ay oo! nakita ko na rin yang ipanema.. yan ulet papabili ko pag may gustong magregalo sakin, malapit na rin kase ang berday ko! yah.. maganda nga yung by the river piedra, tapos ko ng basahin.. uy, salamat sa pagdaan dito! hapee new year din sayo!

Friday, December 28, 2007  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli