Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Saturday, November 10, 2007

Pagkababa sa Van

Haaahaay! Nakailang hikab na ko habang nakahiga sa aking matigas na kutchon. Naku! Hindi dapat kutchon ang tawag dito,, parang sa papag ka na rin kasi nakahiga! Tahimik na ang buong bahay. Tanging ingay na lang ng umaandar na bentelador ang aking naririnig. Ang dilim, buti na lang at my konting ilaw galing labas na tumatama sa ding-ding kung saan ako kanina pang nakatingin. Grabe! Hindi talsga ko makatulog. Iniisip ko kasi ung tungkol sa laban namin bukas. Unang laro ko ng basketbol! Kinakabahan ako dahil sa una, baka matae ako habang nasa byahe… Malayo daw kasi un eh. Pangalawa, baka makalimutan ko ang uniform ko dahil sa hindi pa ito tuyo at nakasampay lang sa may pinto ng kwarto nila Manang Chona sa kabila; at ang panghuli ay baka magkalat lang ako bukas!

Kanina nga sa training eh todo praktis na ko ng pagdidribol, kaya ko na nga ipalusot sa gitna ng legs ko eh. “Oha! Haha!” Yun ung unang naisip ko nung unang beses ko yun nagawa, nakaupo kasi sa my gilid ng kort kasi ung mga batang lalaki na nagtetraining din, sigurado kong nakita nila ung exhibition na ginawa ko! Bulong ko nga saking sarili, “wag kayong mag-alala mga bata, magagawa niyo din yan!” Hehe! Tiyak na mas gagalangin na nila ko ngayon! Pinagpraktisan ko din yung steps para sa pag lalay-up, aun! Sakto lang ung tapon ng bola…. Sakto sa taas ng board! Galing! Kung nasa board lng ung mga ipis namin dito sa bahay, chak, tigok lahat yun. Pero hindi lang naman yung mga yun ang aking napag-ensayuhan, nagpraktis din ako kasama ang aking timaytes. Nagpasahan kami ng iba’t ibang klaseng pasa, para sa akin importante yun kasi xempre hindi naman sila pwedeng umasa lang sakin noh! Kelangan ko din ang tulong ng aking timayts para manalo kami! Sa pagpapasa ng bola, napakaimportante ng komunikasyon. Kaya ayun, todo sigaw naman ako para tawagin ang aking mga kakampi… Nakakapanic kasi pag palapit na yung mga kalaban mo, yung susugurin ka nilang lahat na parang mga mga tanod sila at ikaw ang pusher ng barangay. Hehe! Ayun! Napasa ko naman… kay Coach nga lng, nakaharang kasi siya eh! “Ching-ching! Anak ng baka namang pagpapasa yan!... ”, “Nu ba yang pasa na yan!” hirit pa ng kakampi ko…at ako’y tuluyan na ngang napahiya na nman sa lahat ng tao sa kort. Nasa may kabilang dulo pa naman yung mga machopapang basketbol varsities. O dba?! Madami parin palang nakakakita ng aking talent! Sa may tabi rin ni coach yung mga nakatambay na titser, sekyuriti gards at janitors ng skul na gusto pa atng sumingit at gumamit ng kort kahit na para nang my weekly general assembly dahil sa nagkasabay-sabay na training ng ibat ibang manlalaro. Pero sige! Okey lang! Alam ko namang hindi ko makakalimutan yung mga natutunan ko sa mga praktis na yun! Hay…. At habang pinagninilay-nilayan ko ang mga bagay na ito, tuluyan na nga kong nakatulog.

4:30am na! Naku! Agad na kong bumangon! Kelangan makatae na ko ng marami ngayon para mawala na ang una kong alalahanin! Buti na lang at natae kagad ako, salamat na lang sa apat na basong tubig na ininom ko bago matulog! Hehe! Naligo na ko kagad at kumain! Handa na ko! Oooopppsss! Yung jersey ko nga pala! Pumunta ko sa kabilang kwarto, buti na lang at naplantsa na ni Manang Chona! Agad ko yung sinilid sa aking bag. Sinuot ko na ang sapatos na kakabili lng sakin ng aking tito! Hehe! Naku! Tsak madadagdagan ang dating ko nito bilang isang manlalaro! Matapos ng lahat ako’y nagpaalam na sa aking mami, humalik ako para swertehin din mamaya…

Saktong 6 ng umaga ko dumating sa iskul nmin kung san magkikita-kita. Naku! Parang gusto ko nang magstretching para sa pinakaunang seryosohan kong laro mamayang alas dyes! Nag-iisip na rin ako ng mga pamatay na moves para mamaya. Pero naisip ko rin na dapat relax lang! Relax… Nakipagkwentuhan na lang ako kay karekare, yung isa sa mga timayts ko tungkol sa mga lavlayf ng ibang tao habang hinihintay na dumating yung iba. Hehe! Saya nun! Mga 7 na rin nakumpleto ang lahat kaya mga ganung oras na rin kami nakaalis. Traffic! Walang magawa sa van! Ang hirap pa kasi siksikan talaga! Kumusta naman ang pagsisiksikan ng 15 katao sa isang pang 10 tao na van??! Pero kelangan magtiis. At yun na nga! Nakaraaos din! Sa wakas! Dumating na rin kami. Pagkababa ko ng van, yung building ng iskul na kalaban naming ang bumungad sa amin na pagkataas-taas, mga hanggang pitong, palapag ata! Ang laki din pala ng eskwelahang ito, hindi ko makita yung dulo ng building dito sa pwesto ko! Wow! Mukhang mayayaman ang mga nag-aaral dito ah… Xempre, pag mayaman, mas kaya nilang magbayad ng mas mararaming kowts o kaya mas kaya nilang mag basketbol ng marami hanggang sa gumaling talga sila ng sobra! Ano bayan! Nagsimula na naman akong kabahan! Ewan ko ba. Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko, parang gustong lumabas sa dibdib ko… Kulet! Hehe!

Bitbit ang aming mga astiging isports bags umakyat na kami patungo sa gym ng iskul. Magandang warm-up toh! Nasa 5th floor ba naman ang lecheng gym eh! Grabe! Ilang hakbang na lang patungong gym, naririnig ko na yung pagchichir ng mga tao dun! Kanya-kanya na kami ng pag-aayos ng tindig para magmukhang astig. Hehe! Para matakot naman sila samin! Pagdating sa mismong gym, hinanap ko na kagad kung saan na yung mga makakasagupa namin. A! Wala pa sila! Naku! Ano kayang klaseng paghahanda ang ginagawa nila??! Hmmm… Hindi na rin kami nagsayang ng panahon! Sinuot na kagad namin ang aming jersey at nagsimula nang magstretching! Aba! At talagang punung-puno kami ng unity, kanya-kanya ang pagsstretching… Hehe! Buti na lang at napansin yun ng aming butihing Coach at pinagsabay-sabay kami ng pag-iistretch. Aba! At tinodo ko ata ang pagbanat ng katawan ko. Maganda rin kasi ang maayos na pagbabanat ng katawan bago maglaro eh. Simula ulo, tingin sa kaliwa, kanan, taas pero di naman sa likod. Braso naman tapos sunud-sunod na lahay ng parte na pwede ibanat… Matapos nun, nagwarm-up na kami. Ayan! Pinraktis ko ulit ang pamatay ipis na lay-up! Sablay parin! Haha! Di bale! Naniniwala ko sa kapangyarihan ng “adrenalin rush”! Magagawa ko rin yang ng maayos mamaya!

Sa gitna ng aming pagwawarm-up, biglang may dumating grupo ng mga nakajersey na puti na mga babae. Maaangas, may iba, daig pa yung kuya ko kung maglakad o umupo ah! “Wow ha! Babae ba talaga yun??” Tanong ni Diar, sabay ayos ng short na kinagat ng kanyang pwet. “Hahaha! Ewan ko! Di ko madistinguish!”, sagot ko naman. Sabay punta sa aming bench. Kinuha ko muna yung tuwalya ko sa aking isports bag bago umupo. Nauna nako dun, baka kasi wala na kong maupuan pag naunahan na ko ng mga timayts kong toh. Tapos na ang panahon naming magshooting. Sila naman ngayon ang magwawarm-up. Umupo ako sa may gitna ng bench. Sa may gitna para maobserbahan ko lahat ng mga makakalaban namin. Para malaman ko kung sino ba talaga sa kanila ang mga dapat kong bantayan. Una kong nakita sa may gitna ng kort… Mataba at maliit na lalake… Coach ata nila tong taong toh. Pero teka, may boobs! Lalaking may boobs??? Hay… Wala namang masama sa lalaking may boobs, lahat naman ng tao may boobs. Hehe! Sumunod naman na dumaan sa harap ko. Naku! E2, xur na kong isa to sa mga makakalaban namin. Xur nga ba ko??? Rapper ata to eh! Ang haba naman ng short. Ung buhok, ang gulo. Tiningnan ko yung legs nya kung may muscle ba, naku! Wala naman! Bano toh! Sunod naman, aba! Maayos ang buhok, toned ang katawan at maganda siya infairness ah. May nakita na kong mukhang magaling. Magaling cguro toh! Magaling toh! Kelangan ko mag-ingat dito!

Naku! Ayan na! Ang pinakahihintay kong sandali! Magsisimula na ang laro. Luminis na ang gitna ng buong kort. Nagsidatingan na rin ung cheering squad ng kalaban namin. Hindi ko naobserbahan lahat ng kalaban namin pero bahala na! Pinatanggal na samin ni coach lahat ng alahas naming sa katawan. Alam kong ipapatanggal yun kaya di ko na sinuot ung paborito kong earrings. Ayan… Pinili na ni coach yung unang lima na papasok. Mabuti at hindi ako kasama, para maobserbahan ko ng husto ang kanilang paglalaro. Unang quarter pa lang, lamang na kami. Bayan! Hindi man lang sila nakakashoot! Habang tumatagal yung laro, lalo kong ginaganahan…. Manuod! Hehe! At magpuno ng mga jug para sa mga katim ko. Mabuti ata kong timayt noh! Lumipas na ang 2nd quarter. 3rd quarter na. Habang ako’y nakaupo sa may gilid, bigla kong tinawag ni coach. Naku! Bigla kong kinabahan! E2 na! Paglalaruin na ata nya ko! Gosh! Sa wakas! Ang aking pinakahihintay. Agad akong tumayo at pumunta sa tabi ni coach. Sa tingin ko talaga ay malakas talaga ang kompyansa sakin ni coach kasi wala na xang ibang cnabi kundi, “…o ching-ching, palitan mo si Nin-nin…” Bwahahaha! C nin-nin ang MVP nung nakaraang taon, naku! Nilevel na ko kay nin-nin! Kaya naman dahil dun ay tumibay ang aking paniniwala na kaya ko! Kaya ko talaga tong laro na toh! Hindi ko ata wawasakin ang tiwala sakin bilang manlalaro ni coach noh!

Lumapit si coach sa may panel upang sabihing may isusubtitute siya sa number 9, kay nin-nin. Tumingin muna sila sakin bago ko sinenyasan ng referi at pinapasok. Ayan na! Naririnig ko na ang aking timayts! Chinichir nila ko! Prang gusto kong maiyak dahil sa suporta at tiwala na binibigay nila sakin! Hay! , yan ang gusto ko sabihin sa mga kalaban ko. Hehe! Pumwesto na kaming lahat sa dapat pwestuhan. Pero teka… Kanino bang bola??? San nga pala yung ring namin???? Parang alam ko un kanina kaya lang hindi na ko sigurado ngayon. Naku! Nasobrahan ata ng tiwala c coach sakin kaya hindi nya naesplika. Tsk! Tsk! Kaya naman sumunod na lang ko kung nasaan ang mga kakampi ko. “Dun ka sa may kanang baba”, turo sakin ni Cheling. Agad naman akong sumunod at naghanda. Naku! Ang laki ng bantay ko ah. Kili-kili nya ung panlaban niya sakin para di ko malapit. Aba! Taas xa ng taas ng kamay at tinatapat nya talaga sa mukha ko ung kili-kili niya ah! At eto pa punta siya ng punta sa harap ko, pero bigla naman siyang haharap sa akin. Ano kayang ginagawa nito??! Naku! Di marunong! “3 seconds violation! Red, Number 15!”, sambit ni ref! Teka lang, ako ata yung tinutukoy niya ah??! Nooooo! Halos sabay-sabay tumingin sa akin ang aking mga kakampi! Naramdaman ko na para kong isang pulang tela at sila ay mga toro! “Sorry naman…” Un na lang ang tangi kong nasabi. Naisip ko na kelangan kong bumawi! Eto na, sigurado kong nasa ring na kami ng kalaban. Pinuntahan ko kagad ang sa tingin ko ay ang babantayan ko. Siya rin kanina yung nagbobroadcast ng kili-kili. Aba! Ako naman ngayon! Ako na ang magtataas ng kili-kili kala nya! Hehe! Isinagawa ko na ang aking defense position. Sabi ni coach, ito daw ang tamang pagdedepensa, nakasquat, labas ang pwet at nakataas ang kamay. Kaya naman ganung-ganon ung ginawa ko. Hindi ko siya tinantanan! Kahit pa punta siya ng punta kung saan-saan eh talaga namang sinusundan ko siya! Hehe! Napapakapit na nga ko sa kanya eh. “Foul! Red, Number 15!” sigaw na naman ni Ref. Yes! Ako yun ah! Ano na naman. Tumingin ako kay ref na parang maamong tupa, at nag tanong, “bakit po???” “Wag mo kapitan yang kalaban mo…” A! How dare…. How dare….. How dare me! Patay na naman ako kay Coach! Naririnig ko na naman siyang nagsasabi ng, “… Anak ng baka naman Ching-ching…”. Naku! Pag nagpatuloy toh eh baka maging baka na talaga ko sa kakasabi niya sakin ng ganun!

Hay… Ang bilis ng mga pangyayari. Nagpatuloy ang laro. Xempre, sa kanila pa rin ang bola. Nasasabotahe kasi ko eh. Haha! Inihagis nung isa naming kalaban ang bola sa isa naming kalaban. Habang ito ay nasa ere, biglang sumigaw ang kakampi naming si Arian, “Tabinge yan!”. Kaya naman agad akong pumwesto! Kelangan mapasakin yan! Tumalon ako ng todo bigay at kinuha ko ang bola. “RRRaaaaaRRR! “Tumalsik yung iba! Hahaha! Nasa akin na yung bola! Yes! This is my time to shine! Tumakbo ako ng mabilis para maitawid ko na yung bola sa kabila. “Takte! Ano na naman???!” “Travelling. Red, Number 15!”, sabay aksyon ni ref ng pag-iikot ng dalawa niyang kamao. “Ay! Patay!” Naku naman! Nakalimutan ko ang “one-two dribble”. In short, nakalimutan kong magdrible sa pangatlong kong hakbang. Naexcite kasi ko masyado sa moment ko eh.

Grabe! Sa tingin ko sikat na sikat na talaga ko. Hindi lang sa mga kakampi ko kundi pati sa mga kalaban. Sunud-sunod ba naman eh! Hindi pa rin ako nilabas ni coach kahit na puro baka na ang bukang bibig niya. Tumakbo lang ako ng tumakbo sa loob ng kort. Patuloy sa paghahanap ng pagkakataong makakuha ng bola at makatulong. Nung saktong napunta na kami sa aming ring. Yes! Pinasahan ako ni Nin-Nin, pinasok na ulit kasi siya eh, bale dalawa na kaming inaasahan ng husto sa tim. Haha! Pinasa niya sa akin ang bola! Touched ako! Kaya naisip ko kagad isagawa ang aking lay-up! Tumakbo ako palapit sa ring at hinagis ang bola. “Aray!” ang bilis bumalik ng bola ah! Naku! Sa gilid na naman pala ng board tumama. Pero okey lang kasi nasa akin ulit… Nang pumupwesto na ko para subukang ishoot muli ang bola. Biglang pumunta sa akin yung malaking binabantayan ko kanina at pilit niyang kinukuha sa akin yung bola! Aba! Aba! Hindi maganda yan! Hindi ko makapapayag! Mas mabuti pang ipasa ko na lang muli sa iba kong kakampi. Ngunit, tuluy-tuloy pa rin siya sa pagpupumilit agawin ang bola, at aba! May dumagdag pa! Wala na kong ibang naiisip nun kundi wag silang hayaan makuha yun sa akin. Akin na yun! Aagawin pa nya???! No! Kaya naman, ng hindi ko namamalayan, nailabas ko ang aking dalawang siko at gumalaw ako ng pakaliwa’t kanan ng mabilis. Mabilis na mabilis para lang lumayo sila sa akin. Nacarried away ako, hanggang sa. “Technichal foul! Red, number 15!”. Tumahimik ang buong kort. Dun ako nahimasmasan. Itinaas kong dahan-dahan ang aking nakayukong ulo at bumalik sa aking matuwid na pagtayo. Nakatingin silang lahat sa akin, si coach, ang aking timayts sa bench, ang panel, ref, mga kalaban naming bangko at pati na yung audience nila ay napunta sa akin ang atensyon. Ilang segundo pa at nagtawanan na silang lahat! , cheer ng aking mga timayts. Nilapitan ako nila nin-nin at ng iba ko pang kakampi sabay sabi, “Okey lang yan! Nakakatakot ka!”, sabay tawa. Napatingin ako kay coach at nakita kong tumatawa din siya. Hindi ko alam kung maganda ba o pangit yung nagawa ko. Siguro parehang pangit at maganda. Pangit kasi may violation ako, pero, maganda naman kasi napasaya ko lahat lalo na ang mga kakampi ko at pati si Coach. Pero xempre, di pa rin nawala ang anak ng baka niya sa usapan.

Patapos na pala ung laro nun. Hehe! Hindi ko namalayan, hindi ko kasi masyadong naintindihan. Haha! Ang ganda pala’t ako ang “finale”. Xempre! Kami ang panalo! Ang dami ko kasi atang nasaktan ng di sinasadya, kaya nagsorry din ako habang nakikipagkamay kami sa aming mga kalaban. Agad na kaming nag-ayos ng aming gamit at nagbihis para kumain. Simula kubeta hanggang sa kainan eh yung tungkol sa laro yung pinagusapan. At xempre isa ko sa mga bida.

Hanggang sa pag-uwi ko, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ba ang saya ko kahit na ang dami kong kapalpakang nagawa at kahit na hindi ko man lang napatama sa ring yung bola. Hindi ko rin alam kung bakit tuwang-tuwa pa rin sa akin yung mga kasama ko kahit na nabigo ko silang lahat. Pero okey lang, saya nga eh! Akalain mong may points din pala sa mga violations na nagawa ko.




#################
Ito ay likha ng aking mabuting kaibigan na si Chingching.. Naging teammate ko din siya sa basketbol pero nauna siya sa akin ng isang taon sa pagpasok sa varsity kaya hindi ko nakita ang unang seryosohan niyang laro.. Dito ko lang nabasa at nalaman ang nangyari sa kanya noon.. Apple of the eye talaga siya kahit san siya magpunta!! hehe

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli