Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, November 7, 2007

pangarap ko.. part two

5. magkaroon ng bahay sa baguio



two years din kasi akong nanirahan sa baguio kaya napamahal na ko sa lugar na yun.. second home kumbaga.. two years kasi akong nag-aral sa UP Baguio bago nakalipat dito sa diliman.. haayy.. ngayon ko naaalala lahat ng mga magagandang nangyari sakin sa baguio .. ayun nga! isa sa mga pangarap kong malupet ang magkaron ng bahay sa baguio kasi malamig dun, masarap magpahinga.. marami ring magagandang puntahan dun .. kakaiba din ang experience dun kapag may super typhoon.. tiklop lahat ng mga payong kahit fibrella pa ang tatak nun!!! basta! masaya manirahan sa baguio kaya kelangan magkabahay ako dun!!!!!


6. magkaroon ng kopi shop na tataob sa starbucks!


actually pangarap namin to ng kaibigan kong si karekare.. kapitalista kasi kami!! gusto naming humuthot ng limpak-limpak na salapi mula sa mga napakayamang mamayang Pilipino na mahilig uminom ng kape kasama na rin yung mga nagpapanggap na mayaman na tipong inipon pa ng ilang buwan ang pambili ng isang tasang kape sa isang mamahaling kopi shop.. kelangan makapagpatayo ako (kasama si karekare) ng isang kopi shop na magpapataob sa starbucks!!! yung tipong pag sinabing kape, yung kopi shop namin ang maiisip mo, hindi ang starbucks.. dapat ten years from now, matupad na namin yan!


7. maging manager ng mga artista



wala lang.. ang tingin ko kasi sa mga managers, mayaman.. eh mukha akong pera kaya ganun.. at saka, sa tingin ko, sa tingin ko lang naman ay mas konti ang trabaho nila kesa dun sa mga artista talaga.. ayun, basta gusto kong maging manager!! at papasikatin ko ang aking mga alaga para makalikom ako ng limpak-limpak na salapi para hindi na maunsyami ang aking pagyaman!



sa ngayon, tatlo lamang ang aking nadagdag sa listahan ng aking mga pangarap.. umantabay para sa mga susunod na pangarap ni ling-ling!!

libre lang mangarap, walang hanggan na paghiling...
libre lang mangarap, managinip ka..

2 Comments:

Blogger JIMG29 said...

matupad sana ang lahat ng pangarap mo sayang naman kung hindi ka gantimpalaan ng Poong Mayakapal, kulitin mo kasi Siya.

Tuesday, November 20, 2007  
Blogger LING-LING said...

@ jimg29: dahil sa sinabi mo, kukulitin ko na Siya gabi-gabi!!

Tuesday, November 20, 2007  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli