Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, November 21, 2007

pangarap ko.. part three

Nung nasa fx ako kanina, nakaisip ako ng mga bagay na nais kong magawa, lugar na gusto kong mapuntahan, taong gusto kong makilala. Kakaiba talaga ang power ng fx! Kapag nasa fx ka talaga, kung anu-ano ang maiisip mo. At dahil dito, idadagdag ko na ang mga naisip ko kanina sa aking listahan ng mga aking pangarap! =)

8. makapaglakbay nang naglalakad sa buong kamaynilaan



(isa ito sa mga produkto ng aking photography class last sem, wag ninyong nakawin ha! hehe)

matagal ko ng pangarap to, kanina ko lang ulit naisip.. para tong soul searching! hehe.. gusto kong maikot ang buong kamaynilaan nang naglalakad lang.. walang sakay-sakay ng jeep o na kahit anong sasakyan.. siguro naman mga one month, naikot ko na ang buong kamaynilaan! ang plano ko ganito: aalis ako ng bahay nang hindi nagpapaalam.. mag-iiwan lang ako ng sulat tapos magdadala syempre ako ng mga damit na good for one month.. pera din.. madaming pera.. magdadala ako ng cellphone pero hindi ko yun bubuksan, naka-off lang! promise, di ko yun bubuksan! magdadala din ako ng camera, syempre kelangang ma-document ang kakaibang experience na to! kapag napagod na kong maglakad sa isang araw, magchecheck-in ako sa pinakamalapit na hotel, motel o apartelle! haha! at kapag naikot ko na ang buong kamaynilaan, saka lang ako uuwi.. hopefully, magawa ko ito bago ako magpakasal..


9. makapunta sa beach!



Lagi akong nayayaya mag-beach pero never pa kong natuloy.. :( kaya gusto kong makapunta! hehe.. gusto ko sa Pagudpod, Puerto Galera o kaya sa Boracay.. hindi naman ako mahilig lumangoy pero wala lang.. gusto ko lang maka-experience ng white sand! hmm.. friends, parinig to sa inyo! hehe.. sana after graduation , magkaron sana tayo ng summer getaway!


10. makakwentuhan si Iya Villania...


... kasi crush ko siya! hahaha! oo! super duper crush ko siya! ang ganda kaya niya!! napanaginipan ko nga siya nung isang gabi.. super friends daw kami dun sa panaginip ko.. hehe! feeling ko lang masaya siya makakwentuhan.. sa myx kasi, parang ang kulit kulit niya! tapos ang cute pa ng accent niya.. halleer!! kung kakilala ninyo siya, pakilala ninyo ko ha..!



0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli