Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Sunday, October 28, 2007

Would You Rather...((with some unusual questions..))
Would you rather...
Be 4'1 or 7'9"?:7'9" siguro.. gusto ko kasi talagang tumangkad.. parang ang saya kasi nung feeling na nakikita mo lahat ng bagay sa dahil matangkad ka..
Live without music or live without T.V.?:live without music na lang.. couch potato kasi ako!
Eat a bar of soap or drink a bottle of dishwashing liquid?:bottle of dishwashing liquid na lang.. at least liquid yun, tuloy-tuloy na paglagok lang yun.. eh pag kinain mo yung bar soap, kakagatin mo pa..
Be called a racist or a traitor to your country?:traitor na lang.. basta ayokong tawaging racist ako.. dahil naniniwala ako na hindi kulay ng balat ang nagsasabi ng abilidad ng 1 tao.. *bow*
Lose your legs or lose your arms?:arms na lang siguro.. mas importante yung paglalakad..
Have a beautiful house and ugly car or an ugly house and beautiful car?:beautiful house and ugly car siyempre.. kahit wala ngang car, ayos lang basta't may tirahan.. dahil pano na ko pag umuulan at walang matirahan.. kawawa naman ako nun! :(
Be blind or deaf?:be deaf.. one of my fears ko ay maging blind.. deaf ate ko at mukhang normal naman buhay niya.. :)
Live in Antarctica or Death Valley?:antarctica.. wala lang.. parang di ko gusto ang tunog ng "death valley" hahaha!!
In a fire, save a sibling or a stranger?:a sibling syempre.. kapamilya at kadugo ko yun eh!
Be spanked or be put on a restriction (on your favorite thing to do)?:be spanked na lang.. at least mabilis lang yun.. sasakit ng ilang oras o araw pero yung mamiss ko yung paborito kong palabas sa tv.. ay naku! hindi maaari!!
Eat sushi or liver?:liver.. kumakain naman ako ng atay.. at saka di ko talaga trip yung sushi..
Have 3 eyes or webbed feet?:webbed feet na lang.. at least yun nasa baba, hindi masyadong pansinin.. eh yung 3 eyes, nasa mukha! ampanget! nyahaha!
Meet the president of the U.S. or Billy Graham?:si bush na lang.. wala lang..
Find true love or 1 million dollars?:1 million dollars.. dadating din ang true love di kelangan hanapin... naks!
Always have to say everything on your mind or never speak again?:always have to say everything on my mind.. eh kesa naman hindi magsalita.. bad breath ako kung sakali nun.. eeww
Be gossipped about or never talked about at all?:pagtsismisan na lang ako.. at least ibig sabihin, sikat ako!
Have stars in your eyes or eyes in the back of your head?:have stars in my eyes.. twinkling stars.. maganda yun.. haha! :)
Have x-ray vision or bionic hearing?:x-ray vision! astig!! ano kaya ang mga makikita ko pag ganun??
Be able to hear any conversation or take back anything you say?:be able to hear any conversation.. tsismosa kasi ako..
End hunger or hatred?:hunger.. mahirap magutom noh!
Publish your diary or make a movie on your most embarrassing moment?:make a movie on my most embarassing moment.. okay yun.. pag nagawa ko yun.. natupad ko ang aking pangarap #3 ..
Get caught singing in the mirror or spying on your crush?:caught singing in the mirror.. mas nakakahiya na mahuli ka na nagsstalk ka sa crush mo..
Be a dog named Killer or a cat named Fluffy?:cat named Fluffy.. cute..
Be stranded on an island alone or with someone you hate?:with someone i hate.. katakot ang mag-isa.. babatiin ko na lang yung kagalit ko para matulungan niya kong makasurvive..
Get even or get over it?:get over it.. mabait ako.. :)
Always lose or never play?:okay lang matalo basta naglaro ka ng buong puso.. *bow*
Be forced to tell your best friend a lie or tell your parents the truth?:be forced to tell my bestfriend a lie.. kasi wala naman akong bestfriend!! yehey!
Know it all or have it all?:have it all.. mahirap pag alam mo lahat.. nakakadisappoint lang sa huli..
Always get first dibs or the last laugh?:huling halakhak! bwahahahaha!!
Give bad advice or take bad advice?:take bad advice.. di ko naman susundin yun.. kakaguilty naman pag nagbigay ng bad advice..
Have sand in your shorts or water in your ear?:buhangin na lang.. hirap magkatubig sa tenga.. swear! binutas yung tenga ko dati para lumabas yung mga tubig na na-stuck sa loob..
Forget your sunscreen or your sunglasses?:sunglasses.. wala lang.. mas okay pag may sunscreen..
Kiss a jellyfish or step on a crab?:step on a crab.. yung crab pa yung masasaktan..eeww sa jelly fish..
Own a ski lodge or a surf camp?:ski lodge.. mas maganda sa pandinig ko yung "ski lodge".. hahaha!!
Forget who you were or who everyone else was?:who everyone else was.. mas mahalaga yung present time..
Have one wish granted today or three wishes granted in 10 years?:three wishes granted in 10 years.. matagal pero mas maraming magbebenefit.. :)
Give up your computer or your pet?:give up my pet.. mas mahalaga para sakin yung laptop ko.. sori spotty.. :(
Be the sand castle or the wave?:wave.. exciting!
Overthrow a dictatorship or lead one?:overthrow a dictatorship of course! galit ako kay hitler at marcos!
Write the worst book in history or record the worst song in history?:record the worst song in history.. maraming maapektuhan pag panget na book ang naisulat ko.. at least yung kanta, nalalaos naman eventually..
Get free chocolate for one year or free potatoes forever?:free chocolate.. di ko naman masyadong gusto yung patatas..
Have half days everyday or no homework forever?:no homework forever!!! di na kelangan ng explanation yan.
Wear all pink or all purple to school?:all pink.. kikay! nyahahahaha!
Take a math test or do a lab in science?:math test!!! bobo ako sa science.. okay naman ako sa math.. :)
Have a mansion in the middle of nowhere or an apartment with 10 friends?:mansion.. parang ang sikip nung apartment with 10 friends..
Be a deep sea diver or an astronaut?:astronaut! takot ako sa dagat.. at dream ko ang makapagtravel sa outer space..
Bake cookies in cooking class or do art projects in art class?:ayoko ng cooking at arts! cooking na lang siguro..
Run the mile or give a speech for English?:run the mile na lang.. may stagefright kasi ako..
Have a pie-eating contest or a wheelbarrow race?:wheelbarrow race.. baka masuka ako sa pie-eating contest..
Have a big group of friends or one very close friend?:one very close friend.. :) hindi ako comfortable na malaki masyado yung circle of friends ko kasi.. quality over quantity ang gusto ko..
Not be able to talk or hear for one day?:not to talk na lang.. makikinig na lang ako ng music or manonood ng tv.. okay lang.. :)
Be nervous but excited or relaxed but bored?:nervous but excited na lang.. ayoko ng mabore
Wear a school uniform or last year's Halloween costume?:wear a school uniform.. by the way namimiss ko na yun eh.. wala kasi kaming uniform ngayong college..
Spend the day surfing the internet or the ocean?:surfing the internet.. hindi ko gusto ang ocean.. takot akong malunod..
Be an actress/actor in a big movie or the director?:director!!!! pangarap #3
Have an ugly, loyal dog or a prize-winning, snobby cat?:dog.. nagkaroon kami ng pusa dati.. lagi naman kaming nilalayasan.. ang mga dogs, loyal.. at hindi ka nila iiwan pag kelangan mo sila..
Be a professional baseball player or a champion horse breeder?:pro baseball player na lang..
Be saved by Superman or meet Winnie the Pooh?:saved by Superman.. at hahalikan ko siya bilang pasasalamat ko sa pagsagip niya sakin! nyahahaha!
Go to an amusement park or to a family reunion?:family reunion.. masaya rin naman..
Have a kangaroo or koala as your pet?:koala na lang.. yung kangaroo, talon ng talon.. yoko nun! haha!
Be rich with an unhappy job or make less money with a job you like?:be rich with an unhappy job.. pera.. pera.. pera.. pangarap#1
Not be able to use your phone or your e-mail?:e-mail.. sobrang mahalaga ang phone..
Snowboard in the winter or swim in the summer?:snowboard in the winter.. how i wish na may snow dito sa pinas!
Pick your own nose or someone else's?:my own nose.. kadiri naman pag sa iba pa..
Be a tree or live in a tree?:live in a tree.. para tao pa rin ako!
Write a mystery or a poem?:mystery..pwede namang maging poetic din yun ah..
Meet an alien visitor or travel to outer space?:travel to outer space!!
Be forgotten or hatefully remembered?:hatefully remembered.. kesa naman kinalimutan ako ng lubusan.. :(
Last but not least...
Would you rather be doing this quiz or doing something else? =P:etong quiz.. masaya naman at wala naman akong ibang dapat gawin..
Take this survey | Find more surveys
Bzoink - The Original Survey Site

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Saturday, October 27, 2007

detachment

kahapon, nameet ko ang other side ko.. ang evil side ko.. dahil sa kadahilanang gusto ko lang lumayo sa lahat ng tao sa mundo ko.. kawawa nga lahat ng tao sakin kahapon especially chingching at karekare dahil natarayan, nasungitan at nasabihan ko sila ng mga masasakit na salita.. nung gabi ko lang narealize ang lahat ng ginawa ko.. grabe! feeling ko talaga ang sama-sama ko.. akala ko talaga sinaniban ako kahapon kasi hindi ko na nakilala yung sarili ko especially yung tono ng boses ko.. kakaiba talaga.. hindi naman kasi ako ganun talaga magsalita..

ngayon, super nagsisisi na ko sa lahat ng binitawan kong mga salita.. naguiguilty din ako.. SORRY sa inyo.



AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, October 24, 2007

Bago Sumakay Sa Skul Bas

Beep! Bibibipbippp! Sandali lang! Bibibip! Biiippp!!!!! Bip! Bong! Dumating na naman tong iskul bas ko sa oras! Kasalukuyan pa kong sumususo sa paborito kong bote. At xempre, OA ung mama at yaya ko, nagpanic dahil andyan na nga ang takte kong sundo. Ayun, ibaon ko na daw ung milk kong nasa bote... Isinilid na ni yaya sa aking bakpak. Pagsakay ko sa iskul bas, agad na kong umupo katabi ng batang epal. Yun ung kamuntikan nang makasapakan ng kuya ko. Sa kabila naman ay yung mga nagyayabang na 6 yrs. old na sila! Aba! Parang 2 taon lang naman ang tanda nila! Pero medyo inggit nga ko sa kanila kasi marami silang mag-asawang kisses kaya dumadami ng dumadami yung ganun nila. Nainggit din talaga ko nun, hindi kasi dumadami ung akin, kahit na nilalagay ko sila sa isang komportableng koton kng san pwede silang magsiping.

Ayoko nang makinig sa mga storya nila, kaya naman nilabas ko na na lang ang bidbiron na isinilid ng aking yaya. Yes! Maipagpatuloy ko na yung pag-inom ng masarap na milk!!! Ayan na! Chada! Nahugot ko na sa aking baKPAK! Pero teka! Perang tumahimik sa iskul bas. Nakatingin silang lahat sakin. Keme lang, isinubo ko pa rin at inangat ang bote. Sarap! Aba! May narinig akong napakalakas na tawanan, sabay sabi, “… Tingnan nyo sya o! Umiinom prin sa bote kahit malaki na! Kaya pala tumataba!” Aba! At sinong tinawag nilang mataba??! Napatingin ako sa kaliwa at kanan. Hala! Halo-halo na sila nang sinasabi, puro tawanan. Hala! Naguguluhan ako! Ano bang mali sa pag-inom ng milk??? Sabi ng mama ko masustansya un! E ano naman kung sa bote pa rin??? Masaya nga dun eh, pinaghihirapan munang sipsipin bago makainom ng milk. Wala na kong nagawa kundi ibalik yun sa aking bag. Bigo ako na ipagpatuloy ang aking pag-inom. Grrr..

Dumating na kami sa iskul. Diretso na ko sa klasrum namin. Sakto! Wala pa ang aming titser, may iba ring ginagawa ang mga kaklase ko. BWAHAHAHA! Eto na ang pagkakataon kong uminom ng milk!!! Naisip ko na maiintindihan naman siguro ako ng mga kaklase ko dahil magkakaedad lng kame. Hehehe! Yes!

Dahan-dahan kong nilabas ang aking bote habang nakayuko. Hindi ako pwedeng magpakasiguro, kelangan maging isa itong sekreto! Nalabas ko na! Isusubo ko na sana nang… Itinuro ako nga aking klasmeyt at sumigaw ng “Bakit may dala kang bote??? Hindi ka pa ba marunong uminom sa baso??” At ayan! Parang bombing sumabog ang isyu! Katulad kanina, ang daming natawa, pwera na lang siguro ung mga inosenteng gaya ko… Pero ngayon, natuto akong lumaban! Sinipsip ko ang tsupon ng bote at ininom ang milk. Sarap! Nung tinanong ulit ako ng katabi ko kung bakit may dala kong ganun, sinagot ko siya ng buong tapang, “E pinabaon to ng mommy ko! Sama mo!...” Ayan,, tuluy-tuloy sila sa pagtawa, ako, tuloy lang din sa paglagok ng milk.

Matapos ang ilang minuto, dumating na ang aming titser. Nagtaka siya kung ano ang pinagkakaguluhan sa loob ng kwarto. Pano naman kasi, prang timang ung mga kaklase ko at parang my artista sa harap nila. Tama ba namang mag-umpukan sila sa may pwesto ko. Aba! Perya ba ito?! Hindi naman ako nagpapapak ng buhay na manok ah. Milk… Milk ang iniinom ko. Ayan,, lumapit na si titser. Isa pang OA un! “Naku Ching-Ching! Bakit nagbobote ka pa?? Di ka pa ba marunong uminom sa baso???” Napatigil ako, nahiya sabay umiling habang nababasa na ang aking mga mata dahil sa luha. Sa aking murang edad ay nasasagasaan na ang aking karapatan na uminom ng milk sa bote. Natakot din ako kay mam, napahiya ako. Hindi ko alam na bawal pala ang bote sa skul bas at skul. Bakit nagawa nila mami at yaya to? Naframe-up ba ko? Ayun… Pinatayo ako ni titser Theresa at pumunta kami sa kantina. Naku! Prang nahimasmasan ako kasi akala ko ibibili nya ko ng chichirya o kht anong makakain kasi nga naiyak ako. Pro ano un?? Kumuha siya ng baso at nilagay ung milk dun Pinainom nya sakin ung milk. Wala naman nagbago sa lasa. Masarap pa rin. Nalito ako. Wala naman palang pagkakaiba yung lasa ng milk sa baso at sa bote. Milk pa rin. Milk. Ang eksplenasyon lng ni teacher sakin ay lumalaki na daw kaya dapat sa baso na ko uminom. Pang baby lang ang bote.

Dun ko naintindihan na habang nadadagdagan ang birthdays ng tao, kasabay nun ang pagiiba ng mga kailangan nilang gamitn sa paginom ng milk.




########################
Ito ay likha ng aking kaibigang si Ching-Ching.. Hanep pala siya nung bata siya! Apple of the eye ng lahat... sosyal!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, October 17, 2007

pangarap ko..

nung second year hayskul ako, sa english subject namin may project kami na gumawa ng sarili naming book.. eh nung isang araw, nakita ko yung book na nagawa ko at binasa ko ulit.. medyo wrong grammar yung ilang articles ko dun, nakakatawa nga eh.. pero yung mas nakatawag talaga ng pansin ko ay yung lifetime dreams ko na nakalagay dun.. may iba dun natupad na.. meron din naman na hindi talaga matutupad (i.e. i want to travel around the space as in outer space) at eto yung mga hindi pa natutupad pero winiwish ko matupad.. =)


1. maging milyonaryo

sinong ayaw maging milyonaryo????? sino?? sino?? basta ako gusto kong maging milyonaryo.. materialistic kasi ako.. gusto ko lahat ng gusto ko mabili ko.. syempre, pag marami na kong pera, ang sarap na ng buhay ko!! paupo-upo na lang.. nagpapakasasa sa karangyaan.. ang saya nun!! at pagkamilyonaryo na ko, madali ko na lang matutupad ang iba ko pang pangarap kaya nga nasa number 1 yung pagiging milyonaryo!

2. magkaroon ng volkswagen beetle

ganyan na ganyan!! convertible na pink volkswagen beetle.. kahit mayaman na mayaman na ko, eto pa rin ang gusto kong sasakyan.. walang dahilan kun bakit ko to gusto.. basta gusto ko magkaroon ng ganito.. kaya kung may crush kayo sakin, ahem.. alam mo na kung anong bibigay mo sakin para matuwa ako sayo.. =)

3. makagawa ng isang pelikula



sabi ko nga sa isang kaibigan: "isang pelikula lang, pwede na kong mamatay!" seryoso ako diyan, isa lang talaga, pwede na kong mamatay.. sana talaga makagawa ako.. specifically porn flick! bida ang aking mga kaibigan na sina chingching, karekare, putoputo, pikapika, tonton, momo, ey-ey, sansan, juicejuice at kung sino sino pa.. seryoso talaga ako diyan, isa lang, isa lang talaga.. lord!!!! please!!!

4. magkabanda

... at gusto ko ako ang drummer!!! rakenrol!!! pero mukhang imposible ata to kasi di naman ako marunong magdrums =( ... pero pero pero! pag mayaman na ko, at marami na kong oras, mag-aaral akong magdrums at yayain ko ang aking mga kaibigang sina chingching, karekare at puto para maging mga kabanda ko.. pero kung ayaw nila, hahanap ako ng mga taong babayaran ko para maging kabanda ko.. ayos!!



yan ang aking mga munting pangarap.. munti lang naman yang mga yan.. next time ko na isheshare yung iba ko pang mga munting pangarap.. at saka yung mga halimaw kong pangarap!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Tuesday, October 16, 2007

kulay ng balat

nung isang araw, dahil sa boredom dis sembreak, nanood ako ng tv.. palipat-lipat channel.. hanggang sa makarating ako sa chan55 (star movies).. pamilyar sakin yung movie na pinapalabas nung oras na yun.. glory road! pinanood ko na since di ko yun natapos nung pinanood ko yun sa dvd.. dahil sa glory road, naalala ko din yung crash..






racism (Webster)
1 : a belief that race is the primary determinant of human traits and capacities and that racial differences produce an inherent superiority of a particular race
2 : racial prejudice or discrimination

pagtingin sa kulay ng balat ang naging common denominator ng glory road at crash.. sa glory road, naging malaking isyu yung pagkakaroon ng texas western university ng starting line-up na limang "negro" players nung 1966 championship ng basketbol sa ncaa.. "negro" talaga yung tawag nila sa mga black americans.. sa crash naman, sa iba't ibang tao na may kanya-kanyang pagtingin sa kulay ng balat umikot ang kwento.. may galit sa blacks, sa asians, sa mga puti... grabe nga, yung isang character dito na puting pulis, galit sa mga blacks.. nung may nahuli ciang black couple na nagddrive ng lasing.. fininger niya yung babaeng black..

naalala ko din yung isang episode sa tyra banks kung saan nagkaron ng experiment sa mga bata sa US kung racist na sila sa mura pa lamang nilang edad.. ayun nga.. pinakita nung expi na karamihan sa mga bata dun, racist.. may isang bata dun, ang tingin niya sa mga mexicanos ay mga magnanakaw.. may isa din na ang tingin niya sa lahat ng mukhang iraqis o iranians ay mga terorista..

importanteng isyu ang racism.. eto lang ang naisip ko tungkol dito: may kulay din naman sa ilalim ng balat diba?


AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

mga bagong kasabihan

"aanhin mo ang gwapo kung mas malandi pa sayo"


"walang lalake... sa malanding kumpare..."


"walang hihigit pa sa malansang isda.. kundi ang isang baklang balahura"


"sa hinaba-haba ng prusisyon.. bading din pala ang iyong karelasyon"


"ang tumatakbo ng matulin.. may gwapong hahabulin"


"matalino man ang bading.. napeperahan pa rin"


tunay ngang nagbago na ang mundo... rare specie na ang mga gwapong straight... kaya naman ang mga babae, sa babae na din nakikipagrelasyon! whattawooorld!!


AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Sunday, October 14, 2007

"cut!"

dahil kay heneroso, na-inspire ulit akong halukayin etong naaamag ko ng blog.. habang tintype ko to, hayan at nagsisigawan ang mga tao sa likod ko.. bwahahaha!! ako, walang pakialam.. e panu kasi tong ate ko na deaf, gusto ng makipagbreak sa boyfriend niyang deaf din.. ayaw pumayag nung lalaki.. eh ang sabi nung lalaki, may iba daw lalaki ang aking pinakamamahal na ate.. kaya siya ay nagagalit at ayaw tanggapin ang break-up.. e sa sobrang galit siguro, sinuntok nung lalaki yung salaset naming napakamahal, xempre naghurumentado din ang aking inay dahil mahal na mahal nga niya yung salaset namin.. at ang aking kuya, na nagsabi na makakalimutan mo daw na tao ka pag nakaaway mo siya, ay biglang pumasok ng bahay dahil narinig niya yung pagsuntok sa mahal naming salaset, ayun, reaksyonaryo na naman.. bubugbugin daw niya yung lalaki pag di pa daw yun umuwi..

ang saya naman ng mga eksena dito.. pampelikula!!! pwedeng pwede ang mga eksenang eto sa aking thesis production.. tyak na matutuwa nito si sir tolentino dahil merong social commentary ang mga eksenang ito.. talbog ang mga pangmatalino at nakamamanghang thesis nila toot, tooot at tooot...

o siya, lumalala na ang mga eksena sa likod ko.. kelangan ko ng sumigaw ng "cut!"

panoorin ninyo na lang tong video na to para matutunan ninyo pano sumuntok..





Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli