Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Saturday, November 17, 2007

Si Pink Elephant

Bata pa lang ako, kasama ko na si pink elephant. Siya ang unang besprend ko. Kahit wala akong kaibigan sa skul, okay lang kasi sumasama naman sakin si pink elephant sa skul kaya may kausap at kalaro ako kapag recess. Ang kulit kulit nga niya eh! Sabi niya sakin dati, kaya daw masungit si Ms. Arabon, yung teacher ko nung grade two, ay dahil lagi daw yung tinatanggihan ng asawa niya pag gabi! Noon, hindi ko alam ang ibig sabihin nun. Ngayon, dahil malaki na ko, alam ko na ang ibig sabihin ni pink elephant, mahilig pala si ma'am noon! Hahahaha! Nung grade four naman ako, may klasmeyt akong hindi madalas magsalita, si Jane. Sabi nga namin sa kanya, magsalita siya lagi kasi baka magka-bad breath siya pag laging nakatikom lang bibig niya. Kwento sakin ni pink elephant, lagi daw niyang nakikita si Jane na pinapalo ng nanay niya. Minsan naman daw, nakikita niya si Jane na kandong-kandong ng tatay niya at hinahalikan sa leeg. Tsismoso talaga yung si pink elephant!! Di ko alam kung totoo yung mga kwinento niya sakin. Pero nung grade five kami, hindi na namin klasmeyt si Jane, ayaw na daw siya pag-aralin, pinauwi na lang sa probinsya.

Bully din yang si pink elephant! Nung grade two ako, siya ang nag-utos sakin na lagyan ko ng bubblegum yung upuan ng klasmeyt ko! Hahaha! Umuwi tuloy si klasmeyt na may bubblegum sa palda niya! Syempre, hindi ako umamin nung nagtanong si titser kung sino daw naglagay nun. Nung grade five naman, sabi ni pink elephant, ipagkalat ko daw na bakla yung klasmeyt kong si Buddy kasi nakita daw niya yung naglilipstick! Kwinento ko yun sa mga kaibigan ko at tuwing dadaan si Buddy sa harap namin, tumatawa kami ng malakas. Tinanong kami ng ibang klasmeyts namin kung bakit kami utmatawa. Yun nga, sinabi namin sa kanila na naglilipstick si Buddy! Syempre, nalaman ni Buddy na ako nagkalat na bakla siya. Hindi kami nagbati, hanggang ngayon, di pa rin kami bati!

Okay namang kaibigan si pink elephant. Masaya naman siyang kasama. Super madaldal nga lang! Ang dami niyang kwento tungkol sa ibang mga tao!

Nung summer bago ako maghayskul nangyari ang una at huling pag-aaway namin ni pink elephant. Umiiyak kasi ako nun, kasi ako lang ang hihiwalay sa mga kaibigan ko. Karamihan kasi sa kanila, sa public hayskul mag-aaral. Ako kasi, sa private skul na daw ako mag-aaral sabi ng nanay ko. E syempre, lungkot na lungkot ako nun pero si pink elephant, imbes na damayan ako o pasayahin ako, aba! pinagtawanan ako ng elepanteng yun!!!!! Nagalit ako sa kanya! Tinanong ko kung bakit siya tumatawa, sabi niya ang OA ko daw! Sa galit at inis ko sa kanya, sinipa ko siya! Hindi naman siya gumanti pero tumayo siya at umalis sa harap ko. Pagkatapos ng ilang mga araw, hinanap ko siya. Pumunta ko dun sa tambayan namin malapit sa tindahan nila Bry, wala siya dun. Pumunta ko sa bahay ng mga kaibigan ko, baka kasi naligaw dun si pink elephant. Kahit saan, di ko siya nakita..

Malapit ng magpasukan nung tumigil na ko sa paghahanap sa kanya. Pumasok ako sa bago kong skul. Nagkaron ng mga bagong kaibigan. Tila nakalimutan ko na nga si pink elephant dahil madali akong nakapag-adjust sa bago kong skul.

Ngayong third year college na ko, ngayon ko lang ulit naalala si pink elephant. Gusto ko siyang hanapin. Medyo sawa na kasi ako sa medyo seryosong buhay ko ngayon parang gusto kong mambully ulit.. syempre kasama si pink elephant.

2 Comments:

Blogger vin said...

wala ba syang friendster?? anyway, sana mahanap mo si pink elephant. ako may friend din ako na gusto kong hanapin. poknay pangalan nya. hayyy

Sunday, November 18, 2007  
Blogger LING-LING said...

@ vin: ang cute naman ng name ng friend mo.. hehe! nga pala, walang friendster si pink elephant.. :(

Sunday, November 18, 2007  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli