Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Friday, December 28, 2007

las pul show

Tapos na ang araw ng pasko. Kasunod nito ang pagsisimula ng event na pinakaabangan ng bawat pinoy. Exciting na event to!! Sobra!! Tantanententen! Ang event na to ay walang iba kundi ang metrow manilaw pelm pistebal! Eto ang pistebal kung saan itinatampok ang napakagandang pelikula na enteng kabisowte. Kasama din sa pistebal ang walong pelikula na kunwari ay kalaban ng enteng kabisowte para di naman daw halata ang lutong panalo ng enteng kabisowte. Heniways, kagabi nga ay pinanood ko ang isa sa mga "kalaban" ng enteng kabisowte. Kasama ko sina tonton at ey-ey na nanood ng last full show ng sakal, sakali, saklolo. Okay naman, maganda naman. Sulit naman ang one hundred twenty pesos ko. Pero may iba akong natuklasan kagabi.

After kasi naming manood ng muvie, syempre last full show na yun, wala na masyadong tao sa mall. Sarado na ang mga shops. Medyo madilim na din. At tahimik na ang kapaligiran.

ey-ey: lingling, panu pag nasaraduhan tayo dito sa mall??

lingling: ay! di pwede yan, yoko nga!

tonton: okey yun! makakapagnakaw tayo ng mga damit!!

ey-ey: panu pag natatae na tayo at sarado yung mga cr?? pagpasok ng mga tao dito kinabukasan, makakakita sila ng mga maliliit na bundok ng tae sa harap ng bench o di kaya sa tapat ng yellowcab o kaya sa paanan ng estatwa ni jollibee!

Natawa ako syempre sa banat ni ey-ey pero nakaramdam ako ng takot. Ayoko talagang masaraduhan sa mall. Creepy. Ayoko talaga lalo na pag yung dalawang ugok na yun lang ang kasama kong makukulong sa loob ng mall. Nung bata pa ko, nakapanood ako ng isang episode ata ng wansapanataym ata yun na nakulong sa isang mall yung bata tapos nabuhay yung mga manikin. Kakatakot yun. Yun yung naalala ko kagabi nung naglalakad kami palabas ng mall kagabi.

Akala ko sa dilim, dagat, heights at sa mga insekto "lang" ako takot. Kagabi ko lang narealize, takot din pala ako na makulong sa mall. Katakot.

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Tuesday, December 25, 2007

it's better to receive than to give!

Meri krismas at hapi pasko everyone!! Eto ang araw kung kailan ang mga tao'y parang sinaniban ng kung ano at biglang naging mababait at namimigay pa nga mga aginaldo. Isa na ngang example diyan ang nanay ko. Kapag ordinaryong araw, puro dakdak ang maririnig mula sa bibig niya. Pero kanina, huwaw! para siyang naging babaeng santa claus! Halos lahat ng kapitbahay naming mga bata ay binigyan niya ng pera. Tig-sisingkwenta pa! At syempre mas malaking amount pag sa mga inaanak niya. Naubos nga daw ang dalawang libo niya sa bulsa. Pero okay lang daw kasi minsan lang naman daw ang pasko sa isang taon.

Ako. Mas naeenjoy ko ang pagtanggap ng mga gifts! Nyahahaha! Swapang, materialistic at madamot kasi ako kaya hindi ako masyadong nagbibigay ng regalo. Pero gusto ko, ako ang bibigyan. Oo na, selfish ako. Ang saya-saya kaya ng feeling pag may binubuksan kang regalo! Ngayon ngang pasko, nakatanggap ako ng ilang espesyal na mga regalo. At dahil din sa mayabang ako kaya't ipagyayabang ko sa inyo ang mga natanggap kong mga regalo.



Yan ang havaianas na tsinelas na regalo sakin ni besprend chingching! Mahilig kasi talaga ako sa tsinelas. Pero ni minsan, hindi ako bumili ng havaianas. Medyo kuripot din kasi ako. Ang mahal naman kasi! Hanggang 500 pesos na tsinelas lang ang kaya kong bilhin kaya naman tuwang-tuwa ako nang ibigay sakin yan ni chingching! Tuwang-tuwa talaga! Tuwang-tuwa!


Nung unang punta ko ng trinoma, nakita ko na ang bag na ito at ipinangako ko na sa aking sarili na bibilhin ko siya kahit anung mangyari. December na nang naalala ko ang bag na ito; hindi ko pa pala siya nabibili. Kaya naman nung tinanong ako ni besprend chingching kung anung gusto kong regalo, eto kagad ang nasabi ko. At binili naman niya para sakin. Ibang klase talaga si chingching. Spoiled ako sa kanya. Hehe. Hulog talaga ng langit si besprend chingching!




Ang nabasa ko pa lang na libro ni paulo coelho ay ang veronika decides to die. Hiniram ko lang yun sa roommate ko dati. Nagandahan ako sa book na yun kaya gusto ko na ding basahin ang iba pang likha ni tito paulo. Etong by the river piedra i sat down and wept ay bigay ng isang special someone. Naks! Akalain mong may espesyal samwan pala ako! Nyahaha. Siguro naiinis na siya sakin na tuwing magkikita kami ay national bookstore ang meeting place at dun sa may part ng mga bestselling novels ako parating naghihintay. Binilhan na niya ko para maiba naman daw ang meeting place. Haha! Dun pa rin lagi ang meeting place namin at ipapakita ko sa kanya na interesado naman ako sa ibang books dun para bilhan niya ulet ako. Hehe.

At syempre may regalo din para sa akin ang aking pinakamamahal na ama't ina. Anu yun?? Syempre, pera! Binigyan na lamang nila kaming magkakapatid ng pera at kami na lang daw ang bumili ng kung anong gusto naming bilhin. Ayos! Pera din ang aking natanggap mula kina tito at tita. Okay na din. Madadagdagan na ang aking mga kayamanan.

Ayun lang naman ang gusto kong i-share sa inyo.

Nga pala, sinungaling ang title ng post na to. Mas masarap pa rin ang feeling nang nagbibigay kesa sa tumatanggap. Kakaiba ang pakiramdam kapag nakita mong may napangiti ka dahil sa naibigay mong aginaldo. Nawa'y maging mapagbigay tayo, hindi lamang tuwing pasko, kundi araw-araw. Oo, araw-araw. Amen.

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, December 19, 2007

relo, adidas na bag, blouse from bayo

Grabe! Ang sakit ng paa ko! Kararating ko lang dito sa bahay galing trinoma, kasama kong nagpunta dun ang aking mga kaibigang sina chingching, kay-kay at tonton. Shopping galore kami!! Haha! Joke lang! Mga purito't purita kaya kami. Nagpunta lang kami dun dahil bibilhan namin ang aming mga mahal na kaibigan ng mga regalo. Syempre malapit na ang pasko! Medyo marami na ngang tao sa trinoma. Pero, carry lang, kelangan naming tiisin ang maraming tao at ang nakakahilong pag-ikot sa trinoma para makapagbigay saya sa aming mga reregaluhan. Naks!

First Mission namin:

Bibilhin na ng aking besprend na si chingching ang regalo niya para sakin: black na bag sa adidas. Pagdating namin sa adidas store, badtrip! Wala na yung black na bag! Sayang talaga, gustong-gusto ko talaga yung bag na yun. Purple na lang yung natira. Eh hindi ko naman masyadong type yung purple na yun kaya binigyan ako ni besprend chingching ng tatlong options: package #1 (isang havaianas flip-flops at yung canvass bag na gusto ko sa tshirt project), package #2 (bag sa united colors of benetton) at package #3 (bag sa girbaud). Hmm.. mga two minutes akong nag-isip. Hehe! Kelangan ng matinding analysis kung aling package ang pipiliin ko. Syempre! Kelangan kong abusuhin ang kabaitan ni besprend chingching! Hehe! Joke lang! Ayun nga, matapos ang ilang minuto, sinabi ko na sa kanya na package #1 ang aking napili!!! E d pumasok na kami sa shop ng havaianas, pinapili na niya ko ng gusto kong tsinelas. Tinulungan din ako ni tonton na pumili. Si kaykay naman, nagpaiwan na lang sa labas, di daw niya ma-take yung amoy goma sa loob ng shop. Haha. Nung nakapili na ko, pumila na si chingching para bayaran yun. Si tonton naman, pumipili pa rin ng tsinelas na ipapabili niya kay howhow. Matapos ang mahabang pila, nakapagbayad na si chingching. Tantananantenten!! May havaianas na ko! Hehe.

Sumunod na naming pinuntahan yung shop ng all tshirt project. Tinuro ko na kay besprend chingching yung bag na gusto ko. Ang cute kasi nun. May nakalagay na: "I Am A Canvass Bag". Hayun! Pinakuha na niya sa saleslady at binayaran na niya sa counter. Habang nagbabayad si chingching, tumitingin naman kami nila kaykay at tonton ng ibang tshirts. At natuwa naman kami sa mga statements ng mga tshirts dun. (Example: "Umaga Na Nang Hinugot", "Madulas Sa
Dila", "Just Blow Me", "Malaki Ang Titik O", "Pag Malaki Ang S, Malaki Din Ang P") Nakakaengganyo naman talagang bumili sa tindahan na yun kasi napaka-suggestive ng mga tshirts' designs nila. Haha. Sabi ko nga kay tonton, pag nagkapera ako ulet, bibilhan ko siya nung tshirt na may statement na: "Umaga Na Nang Hinugot" o di kaya, yung "Just Blow Me", pwede din yung "Madulas Sa Dila". Bagay kasi sa kanya yung mga ganung shirt. Haha!! Hayun nga, going back sa package #1 na regalo sa akin ni besprend chinching... ang saya! Dahil kay besprend chingching, napasaakin na yung dalawang bagay na yun! Bwahaha. Mission Accomplished.

Second Mission namin:

Humanap ng bagay na ireregalo ni kaykay para kay coachy. Pero, bago namin ginawa yun, kumain muna kami. Mabilis kaming magutom ng mga kaibigan ko. Madami kasi kaming bulate sa tiyan. At oo nga pala, nagkalat pa si chingching sa mcdo (nagtitipid nga pala kami kasi lalabas yung buong barkada sa friday, kelangan namin ng maraming datung sa friday). Nasagi ng bag niya yung baso na may laman pang coke! Napasigaw ako ng AAYY! Napatingin tuloy samin yung mga tao. Nabasa yung palda ni chingching (naka-uniform siya kasi tumakas lang siya sa bahay nila; sabi niya may pasok pa siya). Nabasa din yung pants ko. Si kaykay at tonton naman, natahimik bigla at nag-pretend na hindi nila kami kasama. Napakamabuting mga kaibigan. Haha. Hayun nga, naglinis na lamang kami sa cr. At ipinagpatuloy na namin ang pagtupad sa aming second mission. Ang daming pinuntahan na shops. Ayaw na daw kasi magregalo ni kaykay ng damit kasi madami na daw damit si coachy. Ayaw din niya ng tsinelas kasi marami na din daw tsinelas si coachy. Ang naiisip niya, relo. Kaso, ang budget niya ay 1 thou lang! Hirap na hirap kaming maghanap kasi ang pinakamura naming nakitang relo ay nagkakahalaga ng 1500. Napunta kami sa american boulevard shop, may nakita kami dun na relo na may design na mga skulls, 500 lang. Sinunggaban na namin ang pagkakataon. Natagalan lang kami sa pag-decide kung yung bilog ba o yung square na relo yung bibilhin. Ang ending: yung bilog na lang. Nung binabalot na yung relo, naisip ni kaykay na dapat bracelet na lang pala yung binili niya kesa sa relo. Hindi siya nagpatigil, sinunod naming puntahan yung silverworks. Nakapili din siya ng baracelet dun at binili niya. At dahil sa pagbili niya ng dalawang regalo para kay coachy, hindi na niya nabayaran yung, utang niya sa business kong pagloload ng globe. Sa friday na lang daw, mag-aabono tuloy ako. Hehe. Sige na nga, okay lang, magpapasko naman na! Mission Accomplished na rin.

Third and Final Mission namin:

Bilhin ang pants sa folded and hung na regalo ko para kay besprend chingching. O diba! Ang aga ng pag-eexchange gift namin ni besprend! Haha! Hayun nga, pumasok kami sa folded and hung, at nagsimula ng mamili si chingching. Yung una niyang napili, maganda para kay kaykay, pangit para kay tonton at okay lang para sakin. E di, pumili siya ulet ng isa pa. Para kay kaykay: mas maganda daw yung una niyang sinukat, para naman kay tonton: maganda daw at yun dapat ang bilhin ko, para naman sakin: okay lang. Haha. Wala talaga akong opinyon about sa mga damit. Hayun, ang ending, walang pinili si chingching at lumipat kami sa bayo.

Pagpasok namin sa bayo, napansin kagad namin yung mga tindang relo dun. Nanlumo kaming lahat nang makita naming 900 lang yung mga relo dun! Sayang!!!! Sana yun na lang yung binili ni kaykay para kay coachy, di hamak na mas maganda yun kesa dun sa relo sa american blvd. Sayang talaga! Natahimik na nga lang si kaykay. Umupo dun sa tabi. Umupo na din kaming dalawa ni tonton. Pagod na kami. Di pa tapos ang aming misyon dito sa trinoma. Si chingching, hayun! pumipili ng pants. Sa tagal ng pagpili ni chingching, nagpaalam na si tonton at kaykay. Kelangan na nilang umalis; si tonton kelangan ng pumunta sa lantern parade at si kaykay naman kelangan na daw niyang umuwi at may pasok pa siya bukas. Naiwan kaming dalawa ni chingching. Matapos ang apatnapung limang minuto, nakapili din siya ng blouse. Actually, dalawa pa yung pinagpilian niya at naging mahirap pa ang pagpili niya kasi hindi siya makakuha ng opinyon galing sakin. Haha! Ang ending: nabili ko na din ang blouse na gusto niya. Nag-thank you siya sakin at nag-thank you din ako sa kanya. Mission Accomplished.

Sabay na kaming dalawa umuwi. Nang nasa pila na kami ng fx, tinawagan ko si tonton para makibalita sa lantern parade. Ang sagot niya sakin: "Lingling, wala pa ko sa up, naglalakad kami ngayon ni kaykay mula trinoma papuntang philcoa. Sige, babay na, baka maholdap pa kami." Huwaatt??!!! Naglalakad sila! Mga baleeew talaga yung mga kaibigan kong yun!!! Kakaiba ang mga trip! Baleeeww!!!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Tuesday, December 18, 2007

lowlas!

Sa klas namin last sem sa Film100 (intro to film), pinanood namin at nireport ng group ko ang pelikula ni Yasujiro Ozu na pinamagatang Tokyo Story. Tungkol siya sa dalawang matandang mag-asawa na lumuwas ng Tokyo para dalawin ang kanilang mga anak. Sadly, super busy ang kanilang mga anak. Ang tanging nagbigay lamang ng oras para sa kanila ay ang kanilang manugang na babae. Boring yung film nung una kong napanood kasi kakaiba ang style ni Ozu, para siyang si Lav Diaz, mejo mabagal ang takbo ng istorya. Pero nung napanood ko yun ulet, aba! hindi na siya boring at may impact na talaga siya sakin! mejo nalungkot at naiyak na ko sa istorya nito. E kasi ba naman yung mga anak nila, hindi man lang sila inasikaso at inisip pa na abala ang pagluwas ng kanilang mga magulang sa Tokyo. Pero, sa totoo lang, parang ganun din naman dito sa Pinas. Pag dumadating na ang mga lolo't lola natin galing sa probinsya, naiirita tayo. At iniisip din natin na abala sila...

Ngayong krismas season, andito ngayon sa bahay namin ang dalawa kong lowla! Nung nalaman kong magbabakasyon sila dito, unang pumasok sa mapurol kong utak yung pelikula ni Ozu. Sabi ko sa sarili ko, dapat maging mabait ako kila lowlas! Kasi, sa totoo lang, malapit na silang mawala dito sa mundo kaya marapat lamang na iparamdam natin sa kanila ang ating pagmamahal!

Advans meri krismas sa inyong lahat! At maging mabait sa mga lowlo at lowla ninyo, kahit hindi pasko... (drama mode)

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Sunday, December 16, 2007

suot mo earphone mo tapos laruin mo to!


Get the code at www.winterrowd.com

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Thursday, December 6, 2007

ari at dragon seed

5:34 natapos ang klase ko sa kas1. Di muna ako umuwi. Habang nagkklase kasi, bigla akong nagcrave sa fishball. Ang unang plano ko: mula palma hall, maglalakad ako sa lagoon papunta sa fishbolan malapit sa vanguard kasi masarap dun, tapos maglalakad na lang ako papuntang central, dun ako sasakay pauwi, mas madali kasi ang biyahe pag dun ako sumakay. Pero option number two ang pinili ko: kumain ako ng fishbol sa fishbolan na malapit sa palma, tapos sumakay ako ng jeep papuntang philcoa sa fc, pagdating sa philcoa, sasakay ako ng jeep pauwi.

Ang tagal ng biyahe ko kasi yung jeep na papuntang philcoa ay umikot pa sa qc circle imbes na nag-uuturn na lang. Pero okay lang kasi na-enjoy ko naman ang mahabang byahe na yun dahil sa batang alalay nung drayber.

Habang nasa byahe kasi, kumakanta siya ng prinsesa at eto ang lyrics niya:

Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Malaki naman ang aking ari!

Natatawa ako kasi ang kulit ng lyrics niya! Nairita naman ako ng konti kasi ang bata-bata pa niya at ngumingiti naman na parang manyak yung drayber! Pero, mas natawa talaga ako sa batang yun! hahahaha!

Hindi ko nga namalayan yung epekto sakin nung batang yun kasi nung nasa jeep (san mateo) na ko pauwi samin ay napapakanta na lang ako sa isip ko ng prinsesa. Version ng teeth ha kasi corny yung version ng six cycle mind. At saka tama yung lyrics ko hindi katulad nung lyrics niya!!

Sa jeep (san mateo) na yun, may bagay talaga na nagpa-amaze sa akin! hehe! Yung jeep kasi, punong-puno, as in siksikan pero yung mama sa harap ko, ang tibay! Kahit nakakapit yung isang kamay niya dun sa kapitan ng jeep eh matiyaga pa rin niyang nababalatan yung mga buto sa isang pack niya ng dragon seed. Hanep talaga! Eh ang bilis ng takbo nung jeep, tapos siksikan pa, hindi talaga siya natinag sa pagbalat ng mga butong kinakain niya. Slowly but surely ang taktika niya sa pagbabalat. Pagkabalat, subo kagad yung laman! Mahirap na nga pag nalaglag pa niya yung laman, sayang. Ang bagal nga niya kaya nga hanggang sa bumaba na ako, di pa rin niya ubos yung laman nung pack ng dragon seed niya!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Tuesday, December 4, 2007

Babolgam!

“Chiiing-chiing!! Kaaay-kaay!! Hintayin ninyo ko, wait lang!”, sigaw ni Momo habang tumatakbo papasok sa Shopping Center at hinahabol sila Chingching at Kay-kay na naglalakad patungo sa dulo ng SC. Ngunit, hindi siya naririnig ng dalawang babaeng kaibigan marahil ay abala ang mga ito sa pagkwekwentuhan habang naglalakad. Hindi na siya makatakbo sa loob ng SC dahil masyadong madaming tao ang naglalakad, binilisan na lamang niya ang lakad. Nabangga na niya ang mga batang makukulit na nagtitinda ng mga panali sa buhok. Nasagi na rin niya ang ibang estudyanteng naglalakad. Muntik pa nga siyang masuntok nung bruskong lalaki na nasagi niya sa pagmamadali, mabuti’t nakailag siya at nag-sorry na lamang siya dito at tinuloy ang mabilis na paglakad. Kaunti na lamang ang distansya niya mula sa dalawang kaibigan. “Chingching, Kay-kay!”, tinawag niya ulit ang dalawa pero hindi pa rin siya narinig ng mga ito. Malapit na niyang maabutan sina Chingching at Kay-kay nang matalisod siya. Hindi niya alam kung ano ‘yung bagay na naapakan niya. Tuluyan na siyang bumagsak paharap at sa ‘di inaasahang pagkakataon, nayakap niya ang mga binti ni Kay-kay.

“Uy!”, sambit ni Kay-kay nang mapatigil siya sa paglalakad dahil may naramdaman siyang humawak sa kanyang mga binti. Paglingon niya, nakita niya si Momo na nakadapa habang yakap nito ang kanyang mga binti. “Momo! Anong ginagawa mo??”, tanong ni Kay-kay. Sa pagkahiya, mabilis na tumayo si Momo. “Si Chingching?”, tanong ni Momo habang pinapagpag ang mga dumi sa kanyang pantalon. “Kasama ko siya…”, sagot ni Kay-kay pero pagtingin niya sa tabi niya, wala si Chingching. Lumingon siya ulit at nakita niya si Chingching na patuloy pa ring nagsasalita at naglalakad patungo sa dulo ng SC. “Chiiing!”, matinis na sigaw ni Kay-kay. Napatigil si Chingching at nagtaka kung bakit wala na siyang kausap habang naglalakad. Lumingon siya at nakita nga niya sina Kay-kay at Momo na medyo malayo sa kanya. Bumalik siya at naglakad patungo sa dalawang kaibigan. “Kwento ako ng kwento, wala na pala akong kausap!”, sabi ni Chingching. “E gaga ka pala, nadapa kaya tong si Momo sa likod natin, di mo man lang napansin!”, sabi naman ni Kay-kay. “Kwentuhan kasi kayo ng kwentuhan, kanina ko pa kayo tinatawag, di ninyo ko naririnig. Yan tuloy, kakahabol ko sa inyong dalawa, nadapa tuloy ako!”, sabat naman ni Momo. “Kasalanan pa namin ngayon!? E bakit mo ba kami hinahabol?”, tanong ni Kay-kay kay Momo. “’Yung babolgam ko ba nakita ninyo? Last babolgam ko na yun. Mamaya pa kasi ako bibili ulit ng pack ng babolgam. E kailangan ko na ng babolgam ngayon!”, paliwanag ni Momo. “Wala samin, Ching na sayo ba?”, tanong ni Kay-kay kay Chingching. “Wala no! Hindi ako mahilig sa bubblegum.”, sagot naman ni Chingching. “Bakit mo ba samin hinahanap?”, tanong ni Kay-kay kay Momo. “E kasi, kayong dalawa ang huling kumain sa table sa apartment natin, dun ko yun nilagay.”, paliwanag ulit ni Momo. “Wala akong nakita sa table. Ikaw Ching, may nakita ka ba?”, tanong ni Kay-kay kay Chingching. “Wala. Hindi nga ko mahilig sa babolgam. Adik ka talaga Momo!”, sagot naman ni Chingching. “Oo, adik talaga ko sa bazooomi babolgam! Buhay ko yun! Kailangan kong makanguya ng bazooomi babolgam kahit isang beses sa isang araw.”, paliwanag ni Momo.

Nagdidiskusyon ang tatlo nang makarinig sila ng napakaingay na tunog ng isang motorsiklo. Napalingon silang tatlo sa dulo ng SC. Nakita nila ang isang lalaking nakasakay sa isang napakagarang motorsiklo. Hinubad na ng lalaki ang kumikintab nitong helmet. Nagulat ang tatlo nang makita ang pamilyar na mukha. “Hmmp! Si Tonton lang pala! Akala ko yung crush ko na.”, sambit ni Chingching. Lumapit si Tonton sa tatlo at akmang hahalikan si Kay-kay ngunit maagap si Kay-kay at mabilis niyang sinampal si Tonton kaya’t ang nguso nito ay napunta sa pisngi ni Momo. “Yuck naman pare!”, sambit ni Momo. “Pwe! Kay-kay, bakit mo ginawa sakin yun?”, tanong ni Tonton. “Ewan ko sayo.”, sagot naman ni Kay-kay. “Hay naku Tonton, wag mo nang kulitin si Kay-kay. Hindi ka niya type! Period.”, sabat naman ni Chingching. “Oo na. Alam ko naman yun!”, sabi ni Tonton habang dinudukot niya ang isang pack ng yosi sa bulsa niya. Pagkakuha niya sa yosi niya, may kung anong bagay na nahulog mula sa bulsa niya. “Bazooomi babolgam!!”, sigaw ni Momo habang nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkamangha sa nakita. Pupulutin na niya sana ang bazooomi babolgam nang bigla itong mabilis na nawala sa kanyang paningin. Nasipa ng batang nagtitinda ng panali sa buhok ang bazooomi babolgam! Napaluhod na lamang si Momo sa pagkadismaya. Nagulantang naman ang tatlo sa mabilis na pangyayari. Tahimik ang apat nang biglang naglupasay na si Momo sa sahig ng SC. “Bazooomi babolgam ko!! Kailangan ko yun!! Buhay ko yun!! Bazooomi babolgam!!!”, sambit ni Momo habang nagwawala sa sahig ng SC. “Pare, sana sinabi mo kagad na gusto mo pala ng babolgam. Sana nabigay ko sayo ng maayos. E sayo rin naman ata yun kasi nakita ko yun sa table sa apartment ninyo kanina nung pumunta ako dun.”, sabi ni Tonton. Ilang segundong napatigil sa pagwawala si Momo dahil sa pagkagulat sa sinabi ni Tonton. “Yun yung bazooomi babolgam ko!!! Bakit mo kinuha???!!”, sigaw ni Momo habang nagwawala ulit sa sahig ng SC. “Pare, tama na! Tumayo ka na diyan, nakakahiya na.”, sambit ni Tonton habang paupo siya at akmang itatayo si Momo ngunit nagpumiglas si Momo at sinuntok niya si Tonton. Hindi na pinatulan ni Tonton si Momo at tuluyan na lamang siyang tumayo at hinayaan si Momo na magwala. “So nakakahiya na talaga.”, sambit ni Chingching habang kinukuha niya ang wallet sa bag. Iniwan niya ang tatlo at pumunta sa dulo ng SC para bumili ng judge babolgam kay mamang nagtitinda ng mga kendi ngunit habang naglalakad siya, may naapakan ata siya pero hindi niya ito pinansin dahil sa pagmamadaling makabili ng judge babolgam. Si Kay-kay naman ay dinadamayan si Momo na patuloy pa ring nagwawala sa sahig ng SC at si Tonton ay nakatayo lamang at nag-aantay sa kung anong susunod na mangyayari. Pagbalik ni Chingching, ibinigay niya ang judge babolgam kay Momo. “Ayoko nito! Bazooomi babolgam lang ang gusto ko! Bazooomi!”, sigaw ni Momo habang tinatapon ang mga judge babolgam na binili ni Chingching. Biglang napatigil si Momo, natahimik din ang tatlo. Nakatitig lamang si Momo sa tsinelas ni Chingching. Bigla niyang hinila ang paa ni Chingching, tinanggal ang tsinelas nito saka may kinuha na kung ano sa ilalim ng tsinelas. “Bazooomi!”, masayang sigaw ni Momo habang sinusubo ang babolgam na nakuha niya sa ilalim ng tsinelas ni Chingching. “Eeeww!”, sabay-sabay na reaksyon ng tatlo. Tumayo na si Momo at inakbayan ang tatlong kaibigan. “Guys, tara na! Saan ninyo gustong kumain? Libre ko!”, masayang sambit ni Momo habang nginunguya ang masarap na bazooomi babolgam.





#########
Isa itong activity na pinagawa samin sa film112 (language and grammar of film) klas ko. Conceptualization. Binigyan kami ng mga common elements at gagawan namin ng concept. Ang mga elements ay ang mga sumusunod: 4 characters (2 boys and 2 girls), 1 wallet, 1 bubblegum, 1 pack of cigarettes, setting: shopping center at UP, time: contemporary, events: may isang hahalik sa isa, may isang yayakap sa isa, may isang sasampal sa isa at may isang susuntok sa isa.

Yun yung mga elements, try ninyo ding gumawa ng concept from the common elements given. :)

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Saturday, December 1, 2007

happy slip at kevjumba

kakaiba talaga ang humor nilang dalawa.. super naaadik na ko sa kanila, sila na ang lagi kong pinapanood sa youtube.. tawa ako ng tawa mag-isa dito sa bahay pag pinapanood ko videos nila! heto ang video na nag-collaborate sila, ito ay pinamagatang "put it in purse":







for more of their videos, i-click ninyo na lang ang mga links:




Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli