Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Sunday, October 14, 2007

"cut!"

dahil kay heneroso, na-inspire ulit akong halukayin etong naaamag ko ng blog.. habang tintype ko to, hayan at nagsisigawan ang mga tao sa likod ko.. bwahahaha!! ako, walang pakialam.. e panu kasi tong ate ko na deaf, gusto ng makipagbreak sa boyfriend niyang deaf din.. ayaw pumayag nung lalaki.. eh ang sabi nung lalaki, may iba daw lalaki ang aking pinakamamahal na ate.. kaya siya ay nagagalit at ayaw tanggapin ang break-up.. e sa sobrang galit siguro, sinuntok nung lalaki yung salaset naming napakamahal, xempre naghurumentado din ang aking inay dahil mahal na mahal nga niya yung salaset namin.. at ang aking kuya, na nagsabi na makakalimutan mo daw na tao ka pag nakaaway mo siya, ay biglang pumasok ng bahay dahil narinig niya yung pagsuntok sa mahal naming salaset, ayun, reaksyonaryo na naman.. bubugbugin daw niya yung lalaki pag di pa daw yun umuwi..

ang saya naman ng mga eksena dito.. pampelikula!!! pwedeng pwede ang mga eksenang eto sa aking thesis production.. tyak na matutuwa nito si sir tolentino dahil merong social commentary ang mga eksenang ito.. talbog ang mga pangmatalino at nakamamanghang thesis nila toot, tooot at tooot...

o siya, lumalala na ang mga eksena sa likod ko.. kelangan ko ng sumigaw ng "cut!"

panoorin ninyo na lang tong video na to para matutunan ninyo pano sumuntok..





0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli