Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, October 24, 2007

Bago Sumakay Sa Skul Bas

Beep! Bibibipbippp! Sandali lang! Bibibip! Biiippp!!!!! Bip! Bong! Dumating na naman tong iskul bas ko sa oras! Kasalukuyan pa kong sumususo sa paborito kong bote. At xempre, OA ung mama at yaya ko, nagpanic dahil andyan na nga ang takte kong sundo. Ayun, ibaon ko na daw ung milk kong nasa bote... Isinilid na ni yaya sa aking bakpak. Pagsakay ko sa iskul bas, agad na kong umupo katabi ng batang epal. Yun ung kamuntikan nang makasapakan ng kuya ko. Sa kabila naman ay yung mga nagyayabang na 6 yrs. old na sila! Aba! Parang 2 taon lang naman ang tanda nila! Pero medyo inggit nga ko sa kanila kasi marami silang mag-asawang kisses kaya dumadami ng dumadami yung ganun nila. Nainggit din talaga ko nun, hindi kasi dumadami ung akin, kahit na nilalagay ko sila sa isang komportableng koton kng san pwede silang magsiping.

Ayoko nang makinig sa mga storya nila, kaya naman nilabas ko na na lang ang bidbiron na isinilid ng aking yaya. Yes! Maipagpatuloy ko na yung pag-inom ng masarap na milk!!! Ayan na! Chada! Nahugot ko na sa aking baKPAK! Pero teka! Perang tumahimik sa iskul bas. Nakatingin silang lahat sakin. Keme lang, isinubo ko pa rin at inangat ang bote. Sarap! Aba! May narinig akong napakalakas na tawanan, sabay sabi, “… Tingnan nyo sya o! Umiinom prin sa bote kahit malaki na! Kaya pala tumataba!” Aba! At sinong tinawag nilang mataba??! Napatingin ako sa kaliwa at kanan. Hala! Halo-halo na sila nang sinasabi, puro tawanan. Hala! Naguguluhan ako! Ano bang mali sa pag-inom ng milk??? Sabi ng mama ko masustansya un! E ano naman kung sa bote pa rin??? Masaya nga dun eh, pinaghihirapan munang sipsipin bago makainom ng milk. Wala na kong nagawa kundi ibalik yun sa aking bag. Bigo ako na ipagpatuloy ang aking pag-inom. Grrr..

Dumating na kami sa iskul. Diretso na ko sa klasrum namin. Sakto! Wala pa ang aming titser, may iba ring ginagawa ang mga kaklase ko. BWAHAHAHA! Eto na ang pagkakataon kong uminom ng milk!!! Naisip ko na maiintindihan naman siguro ako ng mga kaklase ko dahil magkakaedad lng kame. Hehehe! Yes!

Dahan-dahan kong nilabas ang aking bote habang nakayuko. Hindi ako pwedeng magpakasiguro, kelangan maging isa itong sekreto! Nalabas ko na! Isusubo ko na sana nang… Itinuro ako nga aking klasmeyt at sumigaw ng “Bakit may dala kang bote??? Hindi ka pa ba marunong uminom sa baso??” At ayan! Parang bombing sumabog ang isyu! Katulad kanina, ang daming natawa, pwera na lang siguro ung mga inosenteng gaya ko… Pero ngayon, natuto akong lumaban! Sinipsip ko ang tsupon ng bote at ininom ang milk. Sarap! Nung tinanong ulit ako ng katabi ko kung bakit may dala kong ganun, sinagot ko siya ng buong tapang, “E pinabaon to ng mommy ko! Sama mo!...” Ayan,, tuluy-tuloy sila sa pagtawa, ako, tuloy lang din sa paglagok ng milk.

Matapos ang ilang minuto, dumating na ang aming titser. Nagtaka siya kung ano ang pinagkakaguluhan sa loob ng kwarto. Pano naman kasi, prang timang ung mga kaklase ko at parang my artista sa harap nila. Tama ba namang mag-umpukan sila sa may pwesto ko. Aba! Perya ba ito?! Hindi naman ako nagpapapak ng buhay na manok ah. Milk… Milk ang iniinom ko. Ayan,, lumapit na si titser. Isa pang OA un! “Naku Ching-Ching! Bakit nagbobote ka pa?? Di ka pa ba marunong uminom sa baso???” Napatigil ako, nahiya sabay umiling habang nababasa na ang aking mga mata dahil sa luha. Sa aking murang edad ay nasasagasaan na ang aking karapatan na uminom ng milk sa bote. Natakot din ako kay mam, napahiya ako. Hindi ko alam na bawal pala ang bote sa skul bas at skul. Bakit nagawa nila mami at yaya to? Naframe-up ba ko? Ayun… Pinatayo ako ni titser Theresa at pumunta kami sa kantina. Naku! Prang nahimasmasan ako kasi akala ko ibibili nya ko ng chichirya o kht anong makakain kasi nga naiyak ako. Pro ano un?? Kumuha siya ng baso at nilagay ung milk dun Pinainom nya sakin ung milk. Wala naman nagbago sa lasa. Masarap pa rin. Nalito ako. Wala naman palang pagkakaiba yung lasa ng milk sa baso at sa bote. Milk pa rin. Milk. Ang eksplenasyon lng ni teacher sakin ay lumalaki na daw kaya dapat sa baso na ko uminom. Pang baby lang ang bote.

Dun ko naintindihan na habang nadadagdagan ang birthdays ng tao, kasabay nun ang pagiiba ng mga kailangan nilang gamitn sa paginom ng milk.




########################
Ito ay likha ng aking kaibigang si Ching-Ching.. Hanep pala siya nung bata siya! Apple of the eye ng lahat... sosyal!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli