Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, October 17, 2007

pangarap ko..

nung second year hayskul ako, sa english subject namin may project kami na gumawa ng sarili naming book.. eh nung isang araw, nakita ko yung book na nagawa ko at binasa ko ulit.. medyo wrong grammar yung ilang articles ko dun, nakakatawa nga eh.. pero yung mas nakatawag talaga ng pansin ko ay yung lifetime dreams ko na nakalagay dun.. may iba dun natupad na.. meron din naman na hindi talaga matutupad (i.e. i want to travel around the space as in outer space) at eto yung mga hindi pa natutupad pero winiwish ko matupad.. =)


1. maging milyonaryo

sinong ayaw maging milyonaryo????? sino?? sino?? basta ako gusto kong maging milyonaryo.. materialistic kasi ako.. gusto ko lahat ng gusto ko mabili ko.. syempre, pag marami na kong pera, ang sarap na ng buhay ko!! paupo-upo na lang.. nagpapakasasa sa karangyaan.. ang saya nun!! at pagkamilyonaryo na ko, madali ko na lang matutupad ang iba ko pang pangarap kaya nga nasa number 1 yung pagiging milyonaryo!

2. magkaroon ng volkswagen beetle

ganyan na ganyan!! convertible na pink volkswagen beetle.. kahit mayaman na mayaman na ko, eto pa rin ang gusto kong sasakyan.. walang dahilan kun bakit ko to gusto.. basta gusto ko magkaroon ng ganito.. kaya kung may crush kayo sakin, ahem.. alam mo na kung anong bibigay mo sakin para matuwa ako sayo.. =)

3. makagawa ng isang pelikula



sabi ko nga sa isang kaibigan: "isang pelikula lang, pwede na kong mamatay!" seryoso ako diyan, isa lang talaga, pwede na kong mamatay.. sana talaga makagawa ako.. specifically porn flick! bida ang aking mga kaibigan na sina chingching, karekare, putoputo, pikapika, tonton, momo, ey-ey, sansan, juicejuice at kung sino sino pa.. seryoso talaga ako diyan, isa lang, isa lang talaga.. lord!!!! please!!!

4. magkabanda

... at gusto ko ako ang drummer!!! rakenrol!!! pero mukhang imposible ata to kasi di naman ako marunong magdrums =( ... pero pero pero! pag mayaman na ko, at marami na kong oras, mag-aaral akong magdrums at yayain ko ang aking mga kaibigang sina chingching, karekare at puto para maging mga kabanda ko.. pero kung ayaw nila, hahanap ako ng mga taong babayaran ko para maging kabanda ko.. ayos!!



yan ang aking mga munting pangarap.. munti lang naman yang mga yan.. next time ko na isheshare yung iba ko pang mga munting pangarap.. at saka yung mga halimaw kong pangarap!

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ayan na ang malupet na commnet q sau.. hooooo. gusto mo ba drums?? sana sinabe mo.. tambulin kta dyan eh.. nu kba,, balang araw ma22pad din yang mga pangarap mo,, at ikaw,, tu2parin mo ang pangarap q ha.. hehehehe...

Sunday, October 21, 2007  
Blogger LING-LING said...

oo.. tutuparin ko pangarap mo..

Monday, October 22, 2007  
Blogger vin said...

pangarap ko rin ang pangarap mo. haha

Tuesday, October 23, 2007  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli