Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Tuesday, December 4, 2007

Babolgam!

“Chiiing-chiing!! Kaaay-kaay!! Hintayin ninyo ko, wait lang!”, sigaw ni Momo habang tumatakbo papasok sa Shopping Center at hinahabol sila Chingching at Kay-kay na naglalakad patungo sa dulo ng SC. Ngunit, hindi siya naririnig ng dalawang babaeng kaibigan marahil ay abala ang mga ito sa pagkwekwentuhan habang naglalakad. Hindi na siya makatakbo sa loob ng SC dahil masyadong madaming tao ang naglalakad, binilisan na lamang niya ang lakad. Nabangga na niya ang mga batang makukulit na nagtitinda ng mga panali sa buhok. Nasagi na rin niya ang ibang estudyanteng naglalakad. Muntik pa nga siyang masuntok nung bruskong lalaki na nasagi niya sa pagmamadali, mabuti’t nakailag siya at nag-sorry na lamang siya dito at tinuloy ang mabilis na paglakad. Kaunti na lamang ang distansya niya mula sa dalawang kaibigan. “Chingching, Kay-kay!”, tinawag niya ulit ang dalawa pero hindi pa rin siya narinig ng mga ito. Malapit na niyang maabutan sina Chingching at Kay-kay nang matalisod siya. Hindi niya alam kung ano ‘yung bagay na naapakan niya. Tuluyan na siyang bumagsak paharap at sa ‘di inaasahang pagkakataon, nayakap niya ang mga binti ni Kay-kay.

“Uy!”, sambit ni Kay-kay nang mapatigil siya sa paglalakad dahil may naramdaman siyang humawak sa kanyang mga binti. Paglingon niya, nakita niya si Momo na nakadapa habang yakap nito ang kanyang mga binti. “Momo! Anong ginagawa mo??”, tanong ni Kay-kay. Sa pagkahiya, mabilis na tumayo si Momo. “Si Chingching?”, tanong ni Momo habang pinapagpag ang mga dumi sa kanyang pantalon. “Kasama ko siya…”, sagot ni Kay-kay pero pagtingin niya sa tabi niya, wala si Chingching. Lumingon siya ulit at nakita niya si Chingching na patuloy pa ring nagsasalita at naglalakad patungo sa dulo ng SC. “Chiiing!”, matinis na sigaw ni Kay-kay. Napatigil si Chingching at nagtaka kung bakit wala na siyang kausap habang naglalakad. Lumingon siya at nakita nga niya sina Kay-kay at Momo na medyo malayo sa kanya. Bumalik siya at naglakad patungo sa dalawang kaibigan. “Kwento ako ng kwento, wala na pala akong kausap!”, sabi ni Chingching. “E gaga ka pala, nadapa kaya tong si Momo sa likod natin, di mo man lang napansin!”, sabi naman ni Kay-kay. “Kwentuhan kasi kayo ng kwentuhan, kanina ko pa kayo tinatawag, di ninyo ko naririnig. Yan tuloy, kakahabol ko sa inyong dalawa, nadapa tuloy ako!”, sabat naman ni Momo. “Kasalanan pa namin ngayon!? E bakit mo ba kami hinahabol?”, tanong ni Kay-kay kay Momo. “’Yung babolgam ko ba nakita ninyo? Last babolgam ko na yun. Mamaya pa kasi ako bibili ulit ng pack ng babolgam. E kailangan ko na ng babolgam ngayon!”, paliwanag ni Momo. “Wala samin, Ching na sayo ba?”, tanong ni Kay-kay kay Chingching. “Wala no! Hindi ako mahilig sa bubblegum.”, sagot naman ni Chingching. “Bakit mo ba samin hinahanap?”, tanong ni Kay-kay kay Momo. “E kasi, kayong dalawa ang huling kumain sa table sa apartment natin, dun ko yun nilagay.”, paliwanag ulit ni Momo. “Wala akong nakita sa table. Ikaw Ching, may nakita ka ba?”, tanong ni Kay-kay kay Chingching. “Wala. Hindi nga ko mahilig sa babolgam. Adik ka talaga Momo!”, sagot naman ni Chingching. “Oo, adik talaga ko sa bazooomi babolgam! Buhay ko yun! Kailangan kong makanguya ng bazooomi babolgam kahit isang beses sa isang araw.”, paliwanag ni Momo.

Nagdidiskusyon ang tatlo nang makarinig sila ng napakaingay na tunog ng isang motorsiklo. Napalingon silang tatlo sa dulo ng SC. Nakita nila ang isang lalaking nakasakay sa isang napakagarang motorsiklo. Hinubad na ng lalaki ang kumikintab nitong helmet. Nagulat ang tatlo nang makita ang pamilyar na mukha. “Hmmp! Si Tonton lang pala! Akala ko yung crush ko na.”, sambit ni Chingching. Lumapit si Tonton sa tatlo at akmang hahalikan si Kay-kay ngunit maagap si Kay-kay at mabilis niyang sinampal si Tonton kaya’t ang nguso nito ay napunta sa pisngi ni Momo. “Yuck naman pare!”, sambit ni Momo. “Pwe! Kay-kay, bakit mo ginawa sakin yun?”, tanong ni Tonton. “Ewan ko sayo.”, sagot naman ni Kay-kay. “Hay naku Tonton, wag mo nang kulitin si Kay-kay. Hindi ka niya type! Period.”, sabat naman ni Chingching. “Oo na. Alam ko naman yun!”, sabi ni Tonton habang dinudukot niya ang isang pack ng yosi sa bulsa niya. Pagkakuha niya sa yosi niya, may kung anong bagay na nahulog mula sa bulsa niya. “Bazooomi babolgam!!”, sigaw ni Momo habang nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkamangha sa nakita. Pupulutin na niya sana ang bazooomi babolgam nang bigla itong mabilis na nawala sa kanyang paningin. Nasipa ng batang nagtitinda ng panali sa buhok ang bazooomi babolgam! Napaluhod na lamang si Momo sa pagkadismaya. Nagulantang naman ang tatlo sa mabilis na pangyayari. Tahimik ang apat nang biglang naglupasay na si Momo sa sahig ng SC. “Bazooomi babolgam ko!! Kailangan ko yun!! Buhay ko yun!! Bazooomi babolgam!!!”, sambit ni Momo habang nagwawala sa sahig ng SC. “Pare, sana sinabi mo kagad na gusto mo pala ng babolgam. Sana nabigay ko sayo ng maayos. E sayo rin naman ata yun kasi nakita ko yun sa table sa apartment ninyo kanina nung pumunta ako dun.”, sabi ni Tonton. Ilang segundong napatigil sa pagwawala si Momo dahil sa pagkagulat sa sinabi ni Tonton. “Yun yung bazooomi babolgam ko!!! Bakit mo kinuha???!!”, sigaw ni Momo habang nagwawala ulit sa sahig ng SC. “Pare, tama na! Tumayo ka na diyan, nakakahiya na.”, sambit ni Tonton habang paupo siya at akmang itatayo si Momo ngunit nagpumiglas si Momo at sinuntok niya si Tonton. Hindi na pinatulan ni Tonton si Momo at tuluyan na lamang siyang tumayo at hinayaan si Momo na magwala. “So nakakahiya na talaga.”, sambit ni Chingching habang kinukuha niya ang wallet sa bag. Iniwan niya ang tatlo at pumunta sa dulo ng SC para bumili ng judge babolgam kay mamang nagtitinda ng mga kendi ngunit habang naglalakad siya, may naapakan ata siya pero hindi niya ito pinansin dahil sa pagmamadaling makabili ng judge babolgam. Si Kay-kay naman ay dinadamayan si Momo na patuloy pa ring nagwawala sa sahig ng SC at si Tonton ay nakatayo lamang at nag-aantay sa kung anong susunod na mangyayari. Pagbalik ni Chingching, ibinigay niya ang judge babolgam kay Momo. “Ayoko nito! Bazooomi babolgam lang ang gusto ko! Bazooomi!”, sigaw ni Momo habang tinatapon ang mga judge babolgam na binili ni Chingching. Biglang napatigil si Momo, natahimik din ang tatlo. Nakatitig lamang si Momo sa tsinelas ni Chingching. Bigla niyang hinila ang paa ni Chingching, tinanggal ang tsinelas nito saka may kinuha na kung ano sa ilalim ng tsinelas. “Bazooomi!”, masayang sigaw ni Momo habang sinusubo ang babolgam na nakuha niya sa ilalim ng tsinelas ni Chingching. “Eeeww!”, sabay-sabay na reaksyon ng tatlo. Tumayo na si Momo at inakbayan ang tatlong kaibigan. “Guys, tara na! Saan ninyo gustong kumain? Libre ko!”, masayang sambit ni Momo habang nginunguya ang masarap na bazooomi babolgam.





#########
Isa itong activity na pinagawa samin sa film112 (language and grammar of film) klas ko. Conceptualization. Binigyan kami ng mga common elements at gagawan namin ng concept. Ang mga elements ay ang mga sumusunod: 4 characters (2 boys and 2 girls), 1 wallet, 1 bubblegum, 1 pack of cigarettes, setting: shopping center at UP, time: contemporary, events: may isang hahalik sa isa, may isang yayakap sa isa, may isang sasampal sa isa at may isang susuntok sa isa.

Yun yung mga elements, try ninyo ding gumawa ng concept from the common elements given. :)

2 Comments:

Blogger BURAOT said...

hokey ha. galing. pati mga pangalan, pinoy na pinoy, tomtom, chingching, kaykay. ulit ulit lang.

Friday, December 28, 2007  
Blogger LING-LING said...

@ buraot: ulit-ulit din kasi ang pangalan ko kaya ganun din ang names ng mga characters! salamat buraot! balik ka ulet ha..

Friday, December 28, 2007  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli