Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Sunday, January 13, 2008

lipat-bahay

lipat na po ako ng bahay.. dito na po ako nakatira: http://linglingbells.wordpress.com

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Friday, January 11, 2008

no to chicharon!

Grade 3 ako nung unang beses akong nagpa-deworm. Syempre, labas lahat ng bulate sa tiyan ko. Simula noon, lumakas na akong kumain. Lagi na kong laman ng kusina namin. Unti-unti na rin napuno ng taba ang mga braso at hita ko. Pati mukha ko, lumobo na.

Grade six, pumayat ako. Dahil siguro sa pressure na mag-aral ng todo para makapasok sa top five sa graduation at nagkasakit rin ako nun. Nung first year hayskul ako, maganda pa rin ang katawan ko pero nung summer bago mag-second year, bumalik ako sa dating gawi. Na-reinforce kasi ako ng aking itay. Ang sabi niya kasi okay lang naman daw na kumain ako ng kumain kasi di naman daw ako lumulubo, wala pa daw sa kalahati yung katawan ko sa mga katawan ng mga babae dun sa amerika. Kaso, hindi naman kain yung ginagawa ko, lamon! Yung katawan ko nung third year hayskul ako ang pinakamataba kong naging katawan. Grabe! Ni ayoko ngang tingnan yung mga pictures ko nung third year ako eh. Fortunately, pumayat ako nung fourth year dahil sa pagiging varsity player ko ng basketball nun.

First year college hanggang second year, normal naman kasi nagboboard ako sa baguio nun, hindi naman ako nakakakain ng maayos. Pero paglipat ko dito sa diliman at dito na ko sa bahay namin nakatira, boom! balik ang bagong "bisyo". Lumobo na naman!

At ngayon ngang kakatapos lang ng holiday season, napansin kong nadagdagan na naman ang mga taba sa aking katawan. Dati naman, kahit mataba ako, okay lang sakin, kahit sabihin pa ng mga tao na ang taba-taba ko na, wala akong pakialam, e sa nag-eenjoy akong kumain eh! Pero nitong tuesday lang, iba yung naramdaman ko. Bago pumunta sa centennial kick-off celebration ng up, sangkaterbang damit ang sinubukan kong suotin pero konti na lang ang okay sa katawan ko! Na-depress ako. Para kasing lahat ng damit na suotin ko, nagmumukha akong malaki talaga! Haay.. Haay talaga.. Magda-diet na talaga ko! No to rice! No to chicken adobo! No to fries! No to chicharon! I swear...

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Sunday, January 6, 2008

future call center agent

Nung friday, nasa bahay kami nila kaykay para i-shoot yung project ko. Syempre, dun kami nag-lunch. At kasama naming kumain sa table ang kapatid ni kaykay na si banban. Gusto kong i-share ang naging palitan ng maanghang salita nina banban at ng kaibigan kong si ey-ey.

Ey-ey (19 years old, nursing student, lalaki) VS Banban (4 years old, di pa nag-aaral, babae)


Ey-ey: How are you banban?

Banban: I'm fine. Thank you. What about you?

Ey-ey: I'm fine too. How old are you?

Banban: I'm four.

Ey-ey: Can you speak in tagalog?

Banban: No

Ey-ey: Why?

Banban: *dedma*

Ey-ey: Are you filipina?

Banban: No, i'm not!

Ey-ey: What is your surname?

Banban: Docallos (islang ang pagbigkas niya ng apelyido niya)

Ey-ey: Your surname is pinoy na pinoy, so how come you're not a filipina?

Banban: *dedma ulet*

Ey-ey: Banban, are you filipina?

Banban: No, i'm not. I'm Mary Ann Bunny "banban" R. Docallos (binigkas niya yan ng direretso
at syempre may kung di ko maintindihan na accent)

Ey-ey: What??

Banban: I'm Mary Ann Bunny "banban" R. Docallos.

Ey-ey: *mimicking banban* Mary Ann Bunny "banban" R. Docallos

Banban: I'm angry with you. You know, i'm so very sick. I need my medicine.

Ey-ey: Then go, take your medicine.

Banban: I'm not yet done. I'm still drinking my milo. (pronounced as may-low)

Ey-ey: That's not may-low. That's mee-lo.

Banban: I'm tired (pronounced as ta-yerd) of talking to you. I'm mad at you. I'm so so very sick.
Nagwalk-out na si banban.

Ey-ey: Bitch!

Narinig ni banban at bumalik sa dining area at umakmang susuntukin niya si ey-ey.

Banban: It's my house!

Sabay talikod at pasok sa kanyang kwarto.



Hanggang sa bago matulog si banban, inaasar pa rin siya ni ey-ey. Buti nga at hindi talaga sinuntok ni banban si ey-ey. Riot yun pag nagkataon. Si ey-ey pa, baka patulan niya yung batang yun.

Amaze na amaze talaga kaming lahat kay banban. Siya lang naman ang todo ingles sa bahay na yun. Bunso kasi siya at siya na lang daw yung na-train ng ganun ng mommy nila. At saka, buong araw daw yung nakatutok sa nickoledeon. Kabisado na nga daw niya ang mga linya nila dora. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Saturday, January 5, 2008

stressed daw?

Matagal-tagal din bago ako nakapagpost ulit dito. Since new year, medyo naging busy ako para sa film 106 homework ko. Kelangang gumawa ng instructional video about sa pagdidiscuss ng concept of national cinema. Last sunday ko naisip yung concept ko. Simpleng video lang: may dalawang karakters (ang mga kaibigan kong sina tonton at ey-ey) at ang kwento lang naman ay bobo si tonton at kelangan i-explain sa kanya ni ey-ey ang konsepto ng national cinema. Ganun lang. Tinamad na ko mag-isip eh. Ayun nga, pagkatapos ko maisip yung concept, ginawa ko na yung script nung wednesday. O diba, ang tamad ko talaga??!! Thursday dapat ang videoshoot pero nagkaproblema ako sa location. Hindi kasi pwede sa bahay namin kasi andito dalawa kong lola. Tinext ko si mon-mon. Luckily, pwede daw sa bahay nila. Nung okay na yung location, bigla namang nagback-out si tonton, may date daw kase sila ni howhow ng thursday. Wdf??!! Hehe. Joke lang, baka mabasa niya to *peace*. E di na-cancel. So, tinext ko ulit si mon-mon, sabi ko kung pwede pa rin sa bahay nila kung friday. Okay daw. So na-move ng friday ang videoshoot.

Thursday morning, nag-text si mon-mon. Hindi na daw pwede sa haus nila dahil aalis sila ng family niya. Pinilit daw niya momy niya na payagan na lang siya na magpaiwan kasi wala daw siya sa mood mamasyal at kelangan ko nga yung place niya. Pero hindi daw pumayag momy niya kasi alam ng parents niya na depressed siya kasi recently nalaman niyang may sakit siya. Hindi naman nakamamatay yung sakit niya pero kelangan niyang mag-undergo ng ilan pang tests para masigurado na yung diagnosis ng sakit niya at makapag-take na siya ng medications. Pinagpray ko nga etong kaibigan kong si monmon. Back to my kwento, yun nga, hindi na pwede kila monique. Super naimbyerna na ko kasi wala akong makuhang ibang location. Hindi pwede sa haus nila chingching kasi andun din lolo't lola niya. Hindi pwede kila ey-ey, momo at tonton. Last option ko na si kaykay. Tinext ko siya, may pasok daw siya ng friday. Pero, saturday daw pwede. So, tinext ko yung dalawang artista ko kung pwede sila ng saturday. Parehong di sila pwede. Grabe, naloka na ko!!!!!!!!! Tumawag si tonton sa landlyn namin, tinutulungan na niya kong mag-isip kung san pa pwede. Ang kelangan ko kasing location eh yung sala na may tv. Sabi niya, pwede daw sa ecopark o sa up at dalhin ko na lang daw laptop ko para maging tv. Sabi ko naman, maingay sa mga lugar na yun, di pwede. Grrrr!!!! Naisip ko na magpalit na lang ng konsepto pero parang too late na.

Mga gabi na nung nagtext ulit si mon-mon. Pwede na daw ulit sa bahay nila kasi di na daw sila aalis. E d okay na! Nagtext din si kaykay at sabi niya, di na day siya papasok ng friday para pwede na daw akong mag-shoot sa bahay nila. Double okay!! Sabi ko kay kaykay, reserve yung place niya kapag nagka-aberya dun sa haus nila monmon, dun kami sa bahay nila mag-shushoot. Okay daw. Aba!! Mukhang umaayon na sa akin ang panahon. Olrayt!

After ng ilang oras, tinext ko si ey-ey, hinihingi ko e-mail add niya para ma-send ko na yung script sa kanya para makapagmemorize na siya. Reply niya: "huhu! lingling! hindi ako magaling magmemorize.. i will quit na.." NO!!!!!!!!!!!! Nakipagnegotiate ako ng todo sa kanya. Sabi ko sa kanya, irerevise ko yung script tapos yung mahahabang linya niya, voice over na lang para pwede na niyang basahin. Tapos kung hindi pa rin niya kaya, gagawa na ko ng mga idiot boards for him. At no! Ayaw pa rin niya. Matapos ang sandamukal na pagpapalitan ng mga text messages, sumuko na ko. Sabi ko kung ayaw niya, wag na lang. At ang loko-loko, nagreply na ok na daw, bahala na lang daw sa araw ng shoot. Hay naku! Pinainit lang ni ey-ey ang ulo ko. Mahilig talaga siya sa mga pagbaback-out pero itutuloy din naman niya. E d okay na naman. Natulog na ko ng maaga para makapag-ipon ng sapat na lakas para sa videoshoot.
Friday ng umaga, nagtext si monmon, tawag daw ako kagad sa kanya. E d tumawag ako. Hindi na naman daw pwede sa kanila kasi nag-decide na daw dady niya na aalis daw sila. Huwaaaat???!!! Pero syempre, sabi ko okay lang at least nag-try siya. Tinext ko kagad si kaykay. Buti na lang at hindi talaga siya pumasok at pwede daw sa haus niya. Ayos! Muntik na namang hindi matuloy yung videoshoot. Haay.. buti na lang talaga.

Naghintay ako sa mcdo regalado. 9 am ang call time. Dumating ako dun ng 10, dumating si tonton ng 11. Nauna na kaming dalawa kila kaykay kase may pinabili sakin na mga ingredients si kaykay at kelangan na niyang lutuin. 12 na dumating si ey-ey sa bahay nila kaykay.
Masaya naman yung shoot! Enjoy naman kami. Hehe! Tawa kami ng tawa kasi kawawang kawawa si tonton sa kwento ng video ko. At todo adlib si ey-ey. Kinukutya-kutya na nga niya si tonton, may kasama pang pisikalan. Binabato niya ng kung anu-ano si tonton. Nung gumanti si tonton, binato niya ng unan si ey-ey pero tumama dun sa bote ng wine sa mesa. Nagkalat tuloy yung wine sa sahig. Buti na lamang at napakabait talaga ni kaykay at pinunasan na lamang niya ito. Ang bait talaga ni kaykay, pinakain pa niya kami ng carbonara na niluto niya. Dapat ako ang magpakain sa kanila kasi project ko yung ginagawa dun pero siya pa rin ang nagpakain. Ayos talaga!

Mga 4 pm kami natapos sa videoshoot. Ambilis lang! Napagpasiyahan namin na pumunta ng sm para humiram ng vcds sa video city at maglaro ng billiards. Nung makarating kami sa bilyaran na alam namin ni kaykay, wala na pala yung bilyaran dun. Naghanap kami pero wala kaming makitang matino. Nagkayayaan na lang na mag-inuman kila kaykay. Tinawagan namin si momo at chingching. Sinundo namin si momo. At tumuloy na kami kila kaykay. Hindi pwede si chingching. Pass daw muna siya.

Ayun nga. Nagtapos ang gabi na masaya kahit nagkatampuhan kami ni kaykay ng konti pero naayos din naman sa bandang huli. Madami ulit kaming nalaman sa isa't isa. Si momo, binata na talaga! Hehe. Sa wakas, naintindihan ko na din kung anu trabaho ng mga magulang ni ey-ey, nawala na ang hinala ko na druglords parents niya, hehe! Ang yaman niya kasi! Hahaha! Si tonton, nagshare din about sa lumalamlam niyang lablayp. Si kaykay, nagbahagi din ng kanyang mga opinyon tungkol sa mga bagay-bagay. Ang saya-saya talaga kapag kasama ang mga tunay na kaibigan! Tinanggal nila ang stress ko sa linggong ito.

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Friday, December 28, 2007

las pul show

Tapos na ang araw ng pasko. Kasunod nito ang pagsisimula ng event na pinakaabangan ng bawat pinoy. Exciting na event to!! Sobra!! Tantanententen! Ang event na to ay walang iba kundi ang metrow manilaw pelm pistebal! Eto ang pistebal kung saan itinatampok ang napakagandang pelikula na enteng kabisowte. Kasama din sa pistebal ang walong pelikula na kunwari ay kalaban ng enteng kabisowte para di naman daw halata ang lutong panalo ng enteng kabisowte. Heniways, kagabi nga ay pinanood ko ang isa sa mga "kalaban" ng enteng kabisowte. Kasama ko sina tonton at ey-ey na nanood ng last full show ng sakal, sakali, saklolo. Okay naman, maganda naman. Sulit naman ang one hundred twenty pesos ko. Pero may iba akong natuklasan kagabi.

After kasi naming manood ng muvie, syempre last full show na yun, wala na masyadong tao sa mall. Sarado na ang mga shops. Medyo madilim na din. At tahimik na ang kapaligiran.

ey-ey: lingling, panu pag nasaraduhan tayo dito sa mall??

lingling: ay! di pwede yan, yoko nga!

tonton: okey yun! makakapagnakaw tayo ng mga damit!!

ey-ey: panu pag natatae na tayo at sarado yung mga cr?? pagpasok ng mga tao dito kinabukasan, makakakita sila ng mga maliliit na bundok ng tae sa harap ng bench o di kaya sa tapat ng yellowcab o kaya sa paanan ng estatwa ni jollibee!

Natawa ako syempre sa banat ni ey-ey pero nakaramdam ako ng takot. Ayoko talagang masaraduhan sa mall. Creepy. Ayoko talaga lalo na pag yung dalawang ugok na yun lang ang kasama kong makukulong sa loob ng mall. Nung bata pa ko, nakapanood ako ng isang episode ata ng wansapanataym ata yun na nakulong sa isang mall yung bata tapos nabuhay yung mga manikin. Kakatakot yun. Yun yung naalala ko kagabi nung naglalakad kami palabas ng mall kagabi.

Akala ko sa dilim, dagat, heights at sa mga insekto "lang" ako takot. Kagabi ko lang narealize, takot din pala ako na makulong sa mall. Katakot.

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Tuesday, December 25, 2007

it's better to receive than to give!

Meri krismas at hapi pasko everyone!! Eto ang araw kung kailan ang mga tao'y parang sinaniban ng kung ano at biglang naging mababait at namimigay pa nga mga aginaldo. Isa na ngang example diyan ang nanay ko. Kapag ordinaryong araw, puro dakdak ang maririnig mula sa bibig niya. Pero kanina, huwaw! para siyang naging babaeng santa claus! Halos lahat ng kapitbahay naming mga bata ay binigyan niya ng pera. Tig-sisingkwenta pa! At syempre mas malaking amount pag sa mga inaanak niya. Naubos nga daw ang dalawang libo niya sa bulsa. Pero okay lang daw kasi minsan lang naman daw ang pasko sa isang taon.

Ako. Mas naeenjoy ko ang pagtanggap ng mga gifts! Nyahahaha! Swapang, materialistic at madamot kasi ako kaya hindi ako masyadong nagbibigay ng regalo. Pero gusto ko, ako ang bibigyan. Oo na, selfish ako. Ang saya-saya kaya ng feeling pag may binubuksan kang regalo! Ngayon ngang pasko, nakatanggap ako ng ilang espesyal na mga regalo. At dahil din sa mayabang ako kaya't ipagyayabang ko sa inyo ang mga natanggap kong mga regalo.



Yan ang havaianas na tsinelas na regalo sakin ni besprend chingching! Mahilig kasi talaga ako sa tsinelas. Pero ni minsan, hindi ako bumili ng havaianas. Medyo kuripot din kasi ako. Ang mahal naman kasi! Hanggang 500 pesos na tsinelas lang ang kaya kong bilhin kaya naman tuwang-tuwa ako nang ibigay sakin yan ni chingching! Tuwang-tuwa talaga! Tuwang-tuwa!


Nung unang punta ko ng trinoma, nakita ko na ang bag na ito at ipinangako ko na sa aking sarili na bibilhin ko siya kahit anung mangyari. December na nang naalala ko ang bag na ito; hindi ko pa pala siya nabibili. Kaya naman nung tinanong ako ni besprend chingching kung anung gusto kong regalo, eto kagad ang nasabi ko. At binili naman niya para sakin. Ibang klase talaga si chingching. Spoiled ako sa kanya. Hehe. Hulog talaga ng langit si besprend chingching!




Ang nabasa ko pa lang na libro ni paulo coelho ay ang veronika decides to die. Hiniram ko lang yun sa roommate ko dati. Nagandahan ako sa book na yun kaya gusto ko na ding basahin ang iba pang likha ni tito paulo. Etong by the river piedra i sat down and wept ay bigay ng isang special someone. Naks! Akalain mong may espesyal samwan pala ako! Nyahaha. Siguro naiinis na siya sakin na tuwing magkikita kami ay national bookstore ang meeting place at dun sa may part ng mga bestselling novels ako parating naghihintay. Binilhan na niya ko para maiba naman daw ang meeting place. Haha! Dun pa rin lagi ang meeting place namin at ipapakita ko sa kanya na interesado naman ako sa ibang books dun para bilhan niya ulet ako. Hehe.

At syempre may regalo din para sa akin ang aking pinakamamahal na ama't ina. Anu yun?? Syempre, pera! Binigyan na lamang nila kaming magkakapatid ng pera at kami na lang daw ang bumili ng kung anong gusto naming bilhin. Ayos! Pera din ang aking natanggap mula kina tito at tita. Okay na din. Madadagdagan na ang aking mga kayamanan.

Ayun lang naman ang gusto kong i-share sa inyo.

Nga pala, sinungaling ang title ng post na to. Mas masarap pa rin ang feeling nang nagbibigay kesa sa tumatanggap. Kakaiba ang pakiramdam kapag nakita mong may napangiti ka dahil sa naibigay mong aginaldo. Nawa'y maging mapagbigay tayo, hindi lamang tuwing pasko, kundi araw-araw. Oo, araw-araw. Amen.

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, December 19, 2007

relo, adidas na bag, blouse from bayo

Grabe! Ang sakit ng paa ko! Kararating ko lang dito sa bahay galing trinoma, kasama kong nagpunta dun ang aking mga kaibigang sina chingching, kay-kay at tonton. Shopping galore kami!! Haha! Joke lang! Mga purito't purita kaya kami. Nagpunta lang kami dun dahil bibilhan namin ang aming mga mahal na kaibigan ng mga regalo. Syempre malapit na ang pasko! Medyo marami na ngang tao sa trinoma. Pero, carry lang, kelangan naming tiisin ang maraming tao at ang nakakahilong pag-ikot sa trinoma para makapagbigay saya sa aming mga reregaluhan. Naks!

First Mission namin:

Bibilhin na ng aking besprend na si chingching ang regalo niya para sakin: black na bag sa adidas. Pagdating namin sa adidas store, badtrip! Wala na yung black na bag! Sayang talaga, gustong-gusto ko talaga yung bag na yun. Purple na lang yung natira. Eh hindi ko naman masyadong type yung purple na yun kaya binigyan ako ni besprend chingching ng tatlong options: package #1 (isang havaianas flip-flops at yung canvass bag na gusto ko sa tshirt project), package #2 (bag sa united colors of benetton) at package #3 (bag sa girbaud). Hmm.. mga two minutes akong nag-isip. Hehe! Kelangan ng matinding analysis kung aling package ang pipiliin ko. Syempre! Kelangan kong abusuhin ang kabaitan ni besprend chingching! Hehe! Joke lang! Ayun nga, matapos ang ilang minuto, sinabi ko na sa kanya na package #1 ang aking napili!!! E d pumasok na kami sa shop ng havaianas, pinapili na niya ko ng gusto kong tsinelas. Tinulungan din ako ni tonton na pumili. Si kaykay naman, nagpaiwan na lang sa labas, di daw niya ma-take yung amoy goma sa loob ng shop. Haha. Nung nakapili na ko, pumila na si chingching para bayaran yun. Si tonton naman, pumipili pa rin ng tsinelas na ipapabili niya kay howhow. Matapos ang mahabang pila, nakapagbayad na si chingching. Tantananantenten!! May havaianas na ko! Hehe.

Sumunod na naming pinuntahan yung shop ng all tshirt project. Tinuro ko na kay besprend chingching yung bag na gusto ko. Ang cute kasi nun. May nakalagay na: "I Am A Canvass Bag". Hayun! Pinakuha na niya sa saleslady at binayaran na niya sa counter. Habang nagbabayad si chingching, tumitingin naman kami nila kaykay at tonton ng ibang tshirts. At natuwa naman kami sa mga statements ng mga tshirts dun. (Example: "Umaga Na Nang Hinugot", "Madulas Sa
Dila", "Just Blow Me", "Malaki Ang Titik O", "Pag Malaki Ang S, Malaki Din Ang P") Nakakaengganyo naman talagang bumili sa tindahan na yun kasi napaka-suggestive ng mga tshirts' designs nila. Haha. Sabi ko nga kay tonton, pag nagkapera ako ulet, bibilhan ko siya nung tshirt na may statement na: "Umaga Na Nang Hinugot" o di kaya, yung "Just Blow Me", pwede din yung "Madulas Sa Dila". Bagay kasi sa kanya yung mga ganung shirt. Haha!! Hayun nga, going back sa package #1 na regalo sa akin ni besprend chinching... ang saya! Dahil kay besprend chingching, napasaakin na yung dalawang bagay na yun! Bwahaha. Mission Accomplished.

Second Mission namin:

Humanap ng bagay na ireregalo ni kaykay para kay coachy. Pero, bago namin ginawa yun, kumain muna kami. Mabilis kaming magutom ng mga kaibigan ko. Madami kasi kaming bulate sa tiyan. At oo nga pala, nagkalat pa si chingching sa mcdo (nagtitipid nga pala kami kasi lalabas yung buong barkada sa friday, kelangan namin ng maraming datung sa friday). Nasagi ng bag niya yung baso na may laman pang coke! Napasigaw ako ng AAYY! Napatingin tuloy samin yung mga tao. Nabasa yung palda ni chingching (naka-uniform siya kasi tumakas lang siya sa bahay nila; sabi niya may pasok pa siya). Nabasa din yung pants ko. Si kaykay at tonton naman, natahimik bigla at nag-pretend na hindi nila kami kasama. Napakamabuting mga kaibigan. Haha. Hayun nga, naglinis na lamang kami sa cr. At ipinagpatuloy na namin ang pagtupad sa aming second mission. Ang daming pinuntahan na shops. Ayaw na daw kasi magregalo ni kaykay ng damit kasi madami na daw damit si coachy. Ayaw din niya ng tsinelas kasi marami na din daw tsinelas si coachy. Ang naiisip niya, relo. Kaso, ang budget niya ay 1 thou lang! Hirap na hirap kaming maghanap kasi ang pinakamura naming nakitang relo ay nagkakahalaga ng 1500. Napunta kami sa american boulevard shop, may nakita kami dun na relo na may design na mga skulls, 500 lang. Sinunggaban na namin ang pagkakataon. Natagalan lang kami sa pag-decide kung yung bilog ba o yung square na relo yung bibilhin. Ang ending: yung bilog na lang. Nung binabalot na yung relo, naisip ni kaykay na dapat bracelet na lang pala yung binili niya kesa sa relo. Hindi siya nagpatigil, sinunod naming puntahan yung silverworks. Nakapili din siya ng baracelet dun at binili niya. At dahil sa pagbili niya ng dalawang regalo para kay coachy, hindi na niya nabayaran yung, utang niya sa business kong pagloload ng globe. Sa friday na lang daw, mag-aabono tuloy ako. Hehe. Sige na nga, okay lang, magpapasko naman na! Mission Accomplished na rin.

Third and Final Mission namin:

Bilhin ang pants sa folded and hung na regalo ko para kay besprend chingching. O diba! Ang aga ng pag-eexchange gift namin ni besprend! Haha! Hayun nga, pumasok kami sa folded and hung, at nagsimula ng mamili si chingching. Yung una niyang napili, maganda para kay kaykay, pangit para kay tonton at okay lang para sakin. E di, pumili siya ulet ng isa pa. Para kay kaykay: mas maganda daw yung una niyang sinukat, para naman kay tonton: maganda daw at yun dapat ang bilhin ko, para naman sakin: okay lang. Haha. Wala talaga akong opinyon about sa mga damit. Hayun, ang ending, walang pinili si chingching at lumipat kami sa bayo.

Pagpasok namin sa bayo, napansin kagad namin yung mga tindang relo dun. Nanlumo kaming lahat nang makita naming 900 lang yung mga relo dun! Sayang!!!! Sana yun na lang yung binili ni kaykay para kay coachy, di hamak na mas maganda yun kesa dun sa relo sa american blvd. Sayang talaga! Natahimik na nga lang si kaykay. Umupo dun sa tabi. Umupo na din kaming dalawa ni tonton. Pagod na kami. Di pa tapos ang aming misyon dito sa trinoma. Si chingching, hayun! pumipili ng pants. Sa tagal ng pagpili ni chingching, nagpaalam na si tonton at kaykay. Kelangan na nilang umalis; si tonton kelangan ng pumunta sa lantern parade at si kaykay naman kelangan na daw niyang umuwi at may pasok pa siya bukas. Naiwan kaming dalawa ni chingching. Matapos ang apatnapung limang minuto, nakapili din siya ng blouse. Actually, dalawa pa yung pinagpilian niya at naging mahirap pa ang pagpili niya kasi hindi siya makakuha ng opinyon galing sakin. Haha! Ang ending: nabili ko na din ang blouse na gusto niya. Nag-thank you siya sakin at nag-thank you din ako sa kanya. Mission Accomplished.

Sabay na kaming dalawa umuwi. Nang nasa pila na kami ng fx, tinawagan ko si tonton para makibalita sa lantern parade. Ang sagot niya sakin: "Lingling, wala pa ko sa up, naglalakad kami ngayon ni kaykay mula trinoma papuntang philcoa. Sige, babay na, baka maholdap pa kami." Huwaatt??!!! Naglalakad sila! Mga baleeew talaga yung mga kaibigan kong yun!!! Kakaiba ang mga trip! Baleeeww!!!

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli