pangarap ko.. part two
5. magkaroon ng bahay sa baguio

two years din kasi akong nanirahan sa baguio kaya napamahal na ko sa lugar na yun.. second home kumbaga.. two years kasi akong nag-aral sa UP Baguio bago nakalipat dito sa diliman.. haayy.. ngayon ko naaalala lahat ng mga magagandang nangyari sakin sa baguio
6. magkaroon ng kopi shop na tataob sa starbucks!
actually pangarap namin to ng kaibigan kong si karekare.. kapitalista kasi kami!! gusto naming humuthot ng limpak-limpak na salapi mula sa mga napakayamang mamayang Pilipino na mahilig uminom ng kape kasama na rin yung mga nagpapanggap na mayaman na tipong inipon pa ng ilang buwan ang pambili ng isang tasang kape sa isang mamahaling kopi shop.. kelangan makapagpatayo ako (kasama si karekare) ng isang kopi shop na magpapataob sa starbucks!!! yung tipong pag sinabing kape, yung kopi shop namin ang maiisip mo, hindi ang starbucks.. dapat ten years from now, matupad na namin yan!7. maging manager ng mga artista

wala lang.. ang tingin ko kasi sa mga managers, mayaman.. eh mukha akong pera kaya ganun.. at saka, sa tingin ko, sa tingin ko lang naman
sa ngayon, tatlo lamang ang aking nadagdag sa listahan ng aking mga pangarap.. umantabay para sa mga susunod na pangarap ni ling-ling!!
libre lang mangarap, walang hanggan na paghiling...
libre lang mangarap, managinip ka..

2 Comments:
matupad sana ang lahat ng pangarap mo sayang naman kung hindi ka gantimpalaan ng Poong Mayakapal, kulitin mo kasi Siya.
@ jimg29: dahil sa sinabi mo, kukulitin ko na Siya gabi-gabi!!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home