Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Wednesday, April 25, 2007

Pucha!

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Tatlong malalakas na hampas ang lumatay sa aking likod. Tatlong malalakas na iyak din ang aking sinagot sa mga hampas na iyon. At hindi pa man ako nakakahabol sa bilis ng aking hininga, isang malapad na kamay na ang sumabunot sa aking buhok.

"Sa susunod na makita kitang nagsusumbong sa mama mo, hindi lang to ang aabutin mo, tandaan mo yan!" galit na sinabi ng aking uncle.

Kaninang hapon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magsumbong sa mama ko tungkol sa kahayupang ginagawa sa akin ng uncle ko sa nakalipas na dalawang taon. Kanina lang, pucha! Sa loob ng dalawang taon, kanina lang. At hindi ko pa napansin na andun lang pala sa likod ng pintuan yung hayup na yun!

Putang-ina naman o! Dalawang taon nang nagpapakasasa ang uncle ko sa katawan ko! At hindi pa ako pinaniwalaan ng mama ko. Hindi daw iyon magagawa ng napakabait niyang kapatid. Pucha! Yun ba yung mabait??!! E demonyo yun eh!

Demonyo siya!

Demonyo.

Naabot ng kaliwa kong kamay ang baseball bat sa ilalim ng kama. Habang sabunot ng malapad na kamay ng uncle ko ang ulo ko, hinugot ko ang bat at buong pwersa kong hinampas ang ulo niya.

"Demonyo ka! Gago! Hayop!"

At paulit-ulit kong pinalo ang ulo niya. Bumulagta siya. Duguan na ang ulo niya. Pucha! Dalawang taon din akong namuhay sa takot, sakit at pangamba. At ngayon... Ngayon ko lang ulet nadama ang totoong kasiyahan.



###########
Hindi ito hango sa sariling karanasan. Salamat sa isang kaibigan sa pagbibigay inspirasyon sa pagsulat ko nito.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli