Enter Tapos Exit

... pero wag kaagad!

AuctionAds: Increase the bid on your site's income!

Saturday, April 21, 2007

one big liar

thursday nung nagtext si putoputo, kaibigan ko na noon lang nagparamdam matapos ang ilang buwan, nangangamusta.. eh di ciempre, reply lang ako.. nakipagkwentuhan, miss ko na rin yung babaeng yun.. tapos biglang nagtext siya ng, "kelangan ko ng bak up" at tinanong niya ko kung pwede raw ba ko ng saturday..

biglang nag-ring yung fone namin, sinagot ko naman.. "lingling! pwede ka ba sa sabado?! kelangan daw ng bak up ni putoputo, may aatendan daw siyang binyag at isasama niya tayong dalawa dahil wala siyang kakilala dun.. ano? pwede ka?! tara na! kainan din yun!!" sabi ni karekare, isa pa naming kaibigan.

nung una, yoko nga! nakakahiya!! sabit lang kami dun.. eh yung nagpapabinyag pala ay yung pamilya nung boyfriend ni putoputo.. at dahil sa persuasive si khare at wala rin naman akong ginagawa sa bahay.. napa-oo na ko..

tinext ko na din si putoputo na pwede ako..

friday nung napag-isipan ko na parang tinatamad akong pumunta dun sa binyagan, na mas gusto ko na lang mag-stay sa bahay dahil na rin na may buwanang dalaw ako at napakainit sa labas..

nung gabi nga, kinausap ko si karekare sa fone, sabi ko, ayoko ng pumunta.. pero sabi niya, punta na daw kami dahil pinareserve na daw kaming dalawa dun sa reception nung binyagan.. nakakahiyang hindi pumunta at ang ending, inis na sakin si karekare bago niya ibaba ang fone..

tinext ko na si putoputo na hindi na ko makakapunta dahil masakit ang puson ko (hindi totoo) at malakas nga ang aking buwanang dalaw (medyo totoo) .. reply niya: "mag-itim ka na lang para di halata pag tinagusan ka, dadalhan na rin kita ng diaper para heavy duty.. hehe at saka, magdadala na rin ako ng pain reliever para sayo". sinabi ko na lang sa huling text ko sa kanya, na tingnan ko kinabukasan kung ok ako..

at ilang minuto pa lang ang nakakaraan matapos kong isend yung last text ko kay putoputo, naramdaman ko na ang kung anong sakit sa aking puson... parang hinahalukay ang nasa loob ko.. grabe ang sakit!! takte!! ang bilis naman ng karma..
to
at yun nga, naging sunod-sunod na ang pananakit ng mga parte ng aking katawan.. pagkagising ko, puson at tiyan ko ang masakit.. tinext ko na si putoputo: "d tlga q pwde.. sori monique.. sori talaga.." waahhh!!! ang sakit ng tiyan ko!!! madalas na ngang sumasakit ang tiyan ko at ang katapat nun ay mahabang tulog kaya napagpasyahan ko na matulog ulet, pero bago yun, tumunog ang celfone ko: "wla, hndi hndi.. d na tau friends.. pinagpalit mo ko sa mens mo! ouch.," text ni putoputo.. di ko alam kung seryosong nagalit siya or wat.. basta ako, natulog na lang..

pagkagising ko ng mga tanghali, marahil tapos na yung binyagan, di na talaga ko nakapunta.. may naramdaman na naman ako.. ang sakit ng legs ko.. anu ba toh??!! grabe ang karma ko.. so humiga lang muna ko.. pagkatapos nun, sumakit din ang ulo ko..

haay.. oo na, pinagbayaran ko na yung pagsisinungaling ko.. pero ang mas malupet pa dun.. galit ata sakin yung dalawa kong kaibigan.. pano kaya ako magsosori???

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Pinoy-Blogs.com Pinoy Topsites

Powered by eSnips.com
link-link
  • vin
  • ey-ey
  • ronibats
  • lihim
  • peyups
  • greenpinoy
  • pinoyblogero
  • jake the miserable
  • happyslip
  • jessica zafra
  • kevjumba
  • buraot
  • badoodles
  • chillidobo
  • gasti
  • maldito
  • porkyvore
  • joice
  • poli